How Rhea Tan’s generosity inspires Kakai Bautista

IPINAHAYAG ng singer/comedienne na si Kakai Bautista kung paano binago ng Beautéderm ang kanyang buhay. Isa ang singer/aktres sa hindi mabilang at star-studded na Beautéderm ambassadors.

Bilang bahagi ng BEAUTéDERM’s spectacular Royale Beauté 12th anniversary celebration, isa si Kakai sa guests sa BD TV Live sa Beautederm FB page. Hosted by Darla Sauler na isa ring Beautederm baby, guest din dito ang isa pang ambassador na si Carlo Aquino.

Ayon sa kanya, bukod sa pagiging ambassadress nito ay happy si Kakai dahil sobrang effective talaga ng mga produkto ng Beautéderm.

Sa kanilang tsikahan, nabanggit ni Kakai na pinaka-paborito niyang gamiting Beautéderm products ang day cream, mouth spray Etre Clair, at Cristaux. Ngayon daw, kabilang na rito ang Acne Loin, na isa sa latest products ng kumpanya.

Paano nabago ang buhay niya mula nang dumating ang Beautéderm?

Esplika ni Kakai, “Alam mo, ‘yung pinaka-pinaka hindi ko makakalimutan na binago ng Beautéderm sa buhay ko… alam mo tayo, hindi tayo… tanggap naman natin ‘no, na kapag mga beauty products, talagang beautiful people ang kinukuha. Ganito lagi, kailangan sikat, kailangan ganito.

“Stereotype eh, kasi kapag beauty products, usually almost perfect looking na, almost perfect body. Pero si mommy Rei, nagbigay siya ng maraming chance sa mga katulad nating mga hindi ba, not so beautiful, but beautiful inside?”

“Not conventionally perceived as beautiful,” sambit ni Darla.

“Yes, hindi ‘yung mga model like na, ‘di ba Marshie?” Pagsang-ayon naman ni Kakai.

Pagpapatuloy pa niya, “Iba-ibang klase ng tao, iba-ibang walks of life ‘yung tinatahak sa buhay. Ang galing eh, kasi wala siyang ini-stereotype when it comes to beauty. Doon pa lang ay malalaman mo how genuine she is, when it comes to business and when it comes to treating people and how tinitignan niya ‘yung mga estado ng buhay ng bawat tao.

“Kasi, hindi ba? Hindi lang siya more on… oo sige business side, pero mas binigyan niya ng chance mag-shine ‘yung iba naman talaga na hindi nabibigyan ng chance. So iyon ‘yung hindi ko makakalimutan kasi, ‘Ay taray, Beautéderm, beauty products.’

“Tapos ikaw… ‘Bakit? May kumuha sa akin ‘no, ambassador ako?’ Pinaniwala sa akin, iyong maniwala lang siya sa atin na kaya nating i-endorse ‘yung products and i-translate ‘yung context ng products sa mga tao, sa mga consumers, napakalaking bagay na niyon.

“Hindi ba, iyon iyong kung ano talaga ang true meaning ng beauty, na lahat ng tao ay may beauty,” mahabang saad ni Kakai.

Ayon pa kay Kakai, ang CEO at President ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche Tan ang perfect na role model ng naturang kumpanya.

Ano ang greatest Beautéderm moments niya, so far?

Lahad niya, “Ako siguro noong first time ko nakita si mommy Rei. Kasi, nabigla ako sa kanya, eh. Kasi ‘di ko ine-expect na mukha siyang 16 years old lang.

“Noong lumapit ako sa kanya, noong tinawag niya ako, ‘Hi Kakai’, parang sabi ko, tinitignan ko talaga siya, sabi ko, ‘Sino ba ‘yung Rhea Tan?’ Pagtingin ko, siya na pala ‘yung Rhea Tan. Oh my God, nagulat ako!

“Akala ko 16 lang, sobrang bata! Tapos ang fresh, ang payat. Kaya sabi ko, ‘Ay, kaya naman pala, bagay sa kanya ‘yung Beautéderm, siya naman talaga ‘yung role model sa kagandahan’.”

Nabanggit din ng tinaguriang Dental Diva na nakakahawa ang pagiging generous ng lady boss ng Beautéderm.

Sambit niya, “Alam mo Marshie kasi, ‘di ba tayo… si mommy (Rei), grabe siyang magbigay sa atin. So, parang tayo natututo na rin tayo, kapag kunwari may kaibigan tayo or mayroon tayong ganito, nakilala natin tapos natuwa tayo sa tao, feeling ko naubos ‘yung mga ganoon ko kasi, ‘Ay sige maganda iyan, sa iyo na lang, sa iyo na lang’.

“Ako ganoon ako eh, so minsan sabi ko, ‘Nasaan na ba ‘yung ano ko?’ Iyon pala naibigay ko na, alam mo iyon? Oo ganoon naman tayo eh, namamana natin eh, naiimpluwensiyahan tayo (ng pagiging generous) ni ate Rhea,” nakangiting pakli pa ni Kakai.

The post How Rhea Tan’s generosity inspires Kakai Bautista appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post