Former ‘Pop Girls’ member gets her biggest break

Major break ni Aubrey Caraan ang kanyang first starring role sa pelikulang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.”

Pero bago niya nakamit ang pinakakaasam niyang pagbibida sa pelikula, dumaan din muna siya sa maraming pagsubok. 

2008 nang mag-join siya sa ABS-CBN sa pamamagitan ng reality competition nitong Pinoy Dream Academy. 

Naging bahagi rin siya ng all-girl group na Pop Girls mula 2014 hanggang 2017.

Nang ma-disband ang nasabing grupo,  naging bahagi siya ng Viva Talent Management Agency kung saan umarangkada ang kanyang karera sa singing at acting.

Sa solo debut niya with her hit song “Ang Bagal Mo Chong,” nagwagi siya ng Best Performance by a Female Recording Artist sa 33rd Awit Awards.

Nakasama rin siya sa mga pelikula ng kanyang home studio tulad ng Para sa Hopeless Romantic, Squad Goals, at Indak. 

Nang malaman daw niya na siya ang napiling gaganap na lead sa “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso,” sobra raw siyang na-flatter lalo pa’t the role given to her was originally intended for Nadine Lustre.

“Actually, unexpected po siya sa akin. Akala ko nga magpapaseksi ako kasi iyong direktor ko sa lead role ko, kilala sa mga matitinding projects. I’m glad also na sumugal siya sa akin,” ani Aubrey.

Nakaramdam din daw siya ng pressure lalo pa’t naisip niya na puwede siyang ikumpara kay Nadine. 

“Noong binasa ko po iyong script, kinabahan talaga ako. Thankful lang ako kay Direk Darryl Yap dahil pinaglaban at inalalayan niya ako,” paliwanag niya.

“Siyempre, mas gusto ko pa rin na makikilala po ako on my own merits po,” dugtong niya. 

Kung ang kanyang leading man na si Marco Gallo ay walang takot na nagpakita ng puwet sa shower scene sa pelikula, acting naman ang ipinanlaban ni Aubrey. 

“Gusto kong makita nila na wholesome ako. Very conservative kasi ako at iyong pagiging daring hindi ko siya kaya,” hirit niya. 

Gayunpaman, bumilib daw siya sa pagiging trooper ni Marco na ginawa ang lahat para maging makatotohanan ang mga eksena nila sa pelikula. 

Sa “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” ginagampanan ni Aubrey ang papel ni Giniper, isang probinsyanang tinulungan ang college student na si Giuseppe (Marco Gallo)

sa pagsasaliksik tungkol sa mythical Pinoy

 creatures o “aswang” para sa kanyang thesis sa kanilang lugar. 

Ang buong pelikula ay kinunan sa maalamat na lugar ng Siquijor. 

Makakasama rin nina Marco at Audrey ang comedians at viral YouTube vloggers na sina Chad Kinis, Lassy Marquez at MC Calaquian, mas kilala bilang Beks Batallion, Teresa Loyzaga, Gina Pareño at Johnny Revilla.

Mapapanood ang “Ang Manananggal na Nahahati ang Puso” sa Vivamax Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East at Europe simula ngayong Oktubre 1.

The post Former ‘Pop Girls’ member gets her biggest break appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post