Walang isyu sa akin ang nudity—Rhen reveals

Pagkatapos mapansin sa mga pelikulang “Adan” at “Untrue,” nagbabalik ang Viva artist na si Rhen Escaño sa pelikulang “Paraluman” kung saan katambal niya ang nagbabalik-pelikulang ’90s heartthrob na si Jao Mapa. 

Ayon kay Rhen, more than just a sex symbol,  gusto raw niyang makilala bilang isang magaling na aktres kaya naman ibinigay niya ang lahat ng kanyang magagawa sa kanyang latest movie. 

“Every time na may project ako, binibigay ko ang lahat nang kaya ko para aralin iyong karakter ko. Minsan ako mismo, ginagawan ko siya ng character sketch. Iyong mapapanood nila rito, it’s not me, It’s Mia,” ani Rhen. 

Hirit pa niya, hindi raw big deal sa kanya ang paghuhubad sa pelikula as long na kailangan ito sa istorya. 

“Walang isyu sa akin ang nudity as long na nae-execute nang tama at nabibigyan ng justice ang materyal,” paliwanag niya. 

Masasabi rin niyang na-enjoy niya ang paggawa ng nasabing pelikula sa panahon ng pandemya. 

Sa isang liblib na lugar sa Tanay, Rizal na walang Covid-19 cases kasi kinunan ang kabuuan ng pelikula.

“Thankful ako dahil sobrang stressed ako dahil sa pinagdadaanan natin ngayon. Naging isang malaking hinga siya para sa amin. Bukod sa mababait ang mga tao roon, we felt safe. Zero ang Covid cases doon. Refreshing din siya at nakatulong sa mental health ko,” sey niya. 

Dagdag pa niya, naging pagkakataon din daw iyon para makapag-detox siya sa social media.

“Akala ko, dahil remote roon, ‘pag walang social media,  di ko kaya,” lahad niya.

“Actually,  it provided me time na makapag-unwind at makapag-isip na rin,” dugtong niya. 

Tungkol sa isang nakababatang babae na na-involve sa lalaking mas may edad sa kanya ang role ni Rhen sa pelikula. 

Aniya, sa tunay na buhay,  ayaw daw niyang husgahan ang mga taong nasasangkot sa May-December affair. 

Iginagalang daw niya ang freedom of choice ng isang tao lalo pa’t naniniwala siyang sa pag-ibig ay hindi isyu ang agwat ng edad. 

Kahit may lockdown,  masasabing bongga rin ang career ni Rhen dahil may ginagawa siyang international movie sa Singapore katambal ang isang popular Vietnamese actor. 

Bukod kay Jao, kasama rin sa pelikula ang dating Viva Hot Babes member na si Gwen Garci. 

Mula sa direksyon ng acclaimed horror and thriller film director na si Yam Laranas,  ang Paraluman ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 24.

The post Walang isyu sa akin ang nudity—Rhen reveals appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post