After debuting first track, Madam Inutz set to release Christmas song

Masaya kami sa magandang nangyayari ngayon sa career ni Madam Inutz.

Bukod kasi sa pagiging social media influencer, ay isa na rin siya ngayong recording artist.

Ang first single niya ay may title na ‘Inutil’ mula sa komposisyon ni Ryan Soto. At may music video na ito, na ang concept ay mula sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Sa guesting nina Sir Wilbert at Madam Inutz  sa online show nina Roldan Castro at Nonie Nicasio na “Tonite L na L,” sinabi ng una na talagang pinaghandaan nila ang music video.

“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito, at kailangang tumatak talaga sa masa,” sabi ni Sir Wilbert na kilala na rin sa tawag na kuya Wil.

Natutuwa naman si Sir Wilbert na maganda ang feedback ng mga tao sa ‘Inutil’ at music video nito.

“Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.

“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya. ‘Sangkap ng Pasko’ ang title. Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makaka-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya;” aniya pa.

Samantala, thankful si Madam Inutz kay Sir Wilbert dahil mula nang naging manager niya ang kilalang philantropist  ay marami nang blessings at opportunity na dumarating sa kanya.

Sa mga kinikita niya ngayon, ano ang dream niyang mabili para sa sarili at sa kanyang pamilya?

“Unang-una po siyempre ay ang bahay at saka edukasyon ng mga anak ko at makabalik po si nanay sa dati, iyon po ang gusto kong mangyari.

“So far po ngayon, talagang lahat ng kinikita ko ay itinatabi ko sa banko. Hindi rin naman kasi ako maluhong tao, kaya masasabi ko na ang iniipon kong iyon ay para sa pamilya ko, kina nanay, tatay, at sa mga anak ko.”

Tinanong si Madam Inutz kung sino ang artistang gusto niyang tikman, kung sakali.

“Iyong yummy talaga? Siyempre si Ian Veneracion, hahahaha!,” natatawa niyang sagot.

Nang marinig ni Sir Wilbert ang sagot ni Madam Inutz, sabi niya na natatawa rin, ay kanya na raw si Ian tapos kukunin pa raw ni Madam Inutz.

 “Ay sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin… doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap! Hahaha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha,” sambit naman ni Madam Inutz na tumatawa uli.

Game namang sinagot nina Madam Inutz at Sir Wilbert ang tanong kung ano ang favorite position nila pagdating sa pakikipag-sex.

“Dog style! Hahaha!,” natatawang sagot na naman ni Madam Inutz.

Sagot naman ni Sir Wilbert na natatawa rin ay, “88! Kasi I ate you, you ate me.”

Para sa Inquiries and Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM

The post After debuting first track, Madam Inutz set to release Christmas song appeared first on PSR.ph.



After debuting first track, Madam Inutz set to release Christmas song
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post