Ali Sotto, Pat-P Daza new Net25 gems

Mahusay na mang-aawit si Ali Sotto. Naaalala pa namin dati, pre-pandemic days, ilang beses namin siyang nakakasama sa videoke parties ng mga coomon friends naming members of the press.

At alam naman nating lahat na noong araw, kilalang singer si Ali na napakalamig at distinct ng singing voice. 

Pero bukod doon, isa ring mahusay na host at TV/radio anchor si Ms. Sotto.

Kaya naman tiyak na marami ang excited sa bagong morning TV-radio experience na hatid ng NET25 simula Lunes, October 18, alas otso ng umaga kung saan makakasama sina Ali at Pat-P Daza, ang ANO SA PALAGAY N’YO?

Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan. 

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.

“Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad Pat-P.

Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P. 

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.

Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa pulitika man ‘yan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan.

Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates. 

Narito ang kanilang mga social media platforms:

Facebook: NET25

Instagram: @net25tv

Twitter: @net25tv

Telegram: t.me/net25eaglebroadcasting

Youtube: NET25 

Official website: net25.com 

The post Ali Sotto, Pat-P Daza new Net25 gems appeared first on PSR.ph.



Ali Sotto, Pat-P Daza new Net25 gems
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post