Alma gets entrepreneur tips from business mogul Rhea Tan

Sobrang thankful ni Alma Concepcion sa Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil ito ang naging daan upang magdesisyon siyang magtayo ng sariling Beautéderm store.

Kinamusta namin ang pagigng businesswoman niya ng mga produktong kabilang ngayon sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa.

Nakangiting tugon ng aktres, “Two years na ang Beautederm store ko. Sa awa ng Diyos nababayaran naman ang overhead.”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Alma, “Nakakatuwa kasi kahit pandemic, proof ang pagiging mabenta ng mga products ng Beautederm.

“Salamat sa aming philantropist CEO Rhea Tan sa patuloy na paggabay sa amin. 

“Itinuturing niya kami (at pati kayo) na pamilya at ramdam na ramdam natin ang kanyang pag-aaruga, lalo na ngayong pandemya.

“Kaya kami ng aming pamilya ay habang buhay na nagpapasalamat kay Ms. Rei dahil sa pagmamahal niya.

“Ako naman ay nagagalak na sa twelve years ng Beautederm, kasama ako mula’t sapul at na-acknowledge naman yun ni Ms. Rei sa pamamagitan ng pagbigay niya sa akin ng ‘Loyalty Award’.”

Ang lady boss ng Beautéderm ang itinuturing niyang mentor at inspirasyon sa pagiging businesswoman.

Saad ng aktres, “Matututo ka sa kanya nang hindi mo napapansin. Gumaganda ang pananaw mo, gumaganda yung point of view mo as a whole. Spiritually, intellectually… hindi lang siya business, eh.”

Dagdag pa ni Ms. Alma na isang interior designer din at former beauty queen, “Kaya super, inspiration siya talaga, kasi iba siya. Napaka-unique, she influences me a lot, changed so many lives… I learned so much from her.”  

Ano ang best seller nila?

Esplika niya, “Ang best seller namin pa rin ay yung set for face, iyon talaga ang binabalik-balikan ng mga suki ng Beautederm. Halos lahat ng sales namin ay repeat purchase, kaya matatawag ko na household name na talaga ang Beautederm.

“Ngayong pandemic, mas tumataas ang pag-aalaga sa sarili ng marami nating kababayan. People still want to look good, kaya tuloy-tuloy pa rin ang sales ng Beautederm dahil nabawasan ang pagsa-shopping ng mga damit.

“Ang Beautederm ay parang naging basic need tulad ng shampoo, deodorant, at toothpaste na automatic na ginagamit ng marami, araw-araw.

“Kumbaga parang ngipin iyan, na kapag pinabayaan mo ay nasisira. Parang okay lang na walang shopping ng mga damit, as long as maintained ang magandang skin.

“Sa Beautederm kasi, talagang masasabi mo na goodbye ka na sa dermas, facials, treatments…. DIY beauty regimen na siya, kaya nasa ‘essential’ category na siya sa mga gumagamit nito,” mahabang saad pa ni Ms. Alma.

Pahabol pa niya, “Sa mga interesado, PM lang po sa FB QUEEN ALMA BEAUTEDERM.”

Ang kanyang Beautéderm store ay located sa G/F Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights Quezon City. Beside Royal Condo & near EastWest bank or Waze/Google Maps Queen Alma by Beautederm.                

Incidentally, abangan si Alma sa Kapuso TV show na Lolong na tatampukan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Bembol Roco, at iba pa.

The post Alma gets entrepreneur tips from business mogul Rhea Tan appeared first on PSR.ph.



Alma gets entrepreneur tips from business mogul Rhea Tan
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post