Andrew E. teams up with Vivamax Goddesses

Ang original song ni Andrew E. na naging TikTok trend, ay isa nang Vivamax original movie!

Ang Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan! ay ang latest movie collaboration ng comedy director na si Al Tantay at ng ultimate pakboy na si Andrew E., at kasama pa ang mga sexy at kalog na Vivamax Goddesses na sina AJ Raval at Sunshine Guimary.

Ang Shoot! Shoot! ay isang sexy-comedy film. Nauuso na ulit ang mga ganitong klase ng pelikula. Ano sa tingin ni Andrew ang dahilan at bumabalik ang pagkahilig ng mga tao sa mga sexy-comedy films?

Sagot niya, “No. 1, may malaking bidang salita na na-create nu’ng pandemic, and that is boredom. Dahil na-restrict ang lahat ng galaw ng mg tao, so boredom ang na-create, na parang  pinaka-scenario sa lahat, kundi man sa karamihan. 

“Kaya ru’n sa boredom na ‘yun, e, naghanap ng flavoring (ang mga tao) kung paano sila mai-entertain kahit nasa bahay sila.

“‘Di ba, nauso at lumakas ‘yung Netflix? Sa ibang bansa naman, ‘yung iba-ibang  mga streamings.

“So, sa Pilipinas, ganoon din, hinahanap din ‘yung flavor na ‘yan. Kaya nagkataon, itong ating mahal na company na Viva, ay nakagawa o naka-create ng ganu’ng ability to cure that boredom sa ating mga Pilipino. And that started it all.”

Ano sa tingin niya ang kaibahan sa paggawa ng comedy film ngayon kumpara noon? At gaano kahalaga sa kanya ang bago niyang pelikula na Shoot! Shoot!? 

“Mas matindi ang challenge ngayon. Unang-una siyempre, haharap ka sa you know, sa mga bata, millennials, mga young ones, alam natin araw-araw nakababad ‘yan sa social media.

“So anything na makuha mo, na ma-portray mo rito sa movie, o magawa mo ‘yung joke, na nakita na nila, siyempre, you know, in effect, parang bawas ‘yun sa kanilang attention. Or bawas ‘yun sa kanilang appreciation, ‘di ba?

“So ‘yung challenge, mas matindi, mas may hamon.

“Unlike before, noong mga 20 or 30 years ago, wala namang social media. So ano mang ilatag mo sa kanila, by means of movie, e, tatanggapin lang nila ‘yun. 

“Ang tanong na lang ay kung magugustuhan nila o hindi. So walang gaanong challenge. Eto may challenge,” paliwanag pa ni Andrew E.

“Sa pangalawang tanong, with me na kasama ko naman sina AJ at Sunshine, e, for me, kung may challenge mang ganon, mas lalo namang dumadali ang aking solusyon towards the challenge.

“Kasi, kasama ko mismo ang mga kinagigiliwan and you know, hottest sensations of today. So for me, they can already deliver, kung ano man ‘yung idi-deliver nila, siguro parang katiting na lang ‘yung akin.

“Kaya ‘yung pagsamahin kaming tatlo, plus the fact na maganda ‘yung pelikula, then 100%, hindi na papasok ‘yung challenge, kundi tatanggapin kami nang buong-buo at ia-appreciate kami nang buong-buo.”

Ang Shoot! Shoot! ay nag-stick sa style ng classic 90s comedy film: slapstick at sexy comedy. Kaya naman malakas ang nostalgia nito sa mga taong lumaki na nanonood ng mga pelikula noong dekada 90. Ngunit hinaluan din nila ang kanilang comedy style ng mga puns at one hit liners na patok sa kasalukuyang henerasyon ng mga manonood. 

Kaya naman bata o matanda, siguradong laugh trip ito, kaya wag palalampasin sa October 8, Shoot! Shoot! Di Ko Siya Titigilan! streaming online sa Vivamax.

Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery. Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.

Mayroon pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax. Pwede mo na rin i-cast ang mga shows sa inyong Smart TV sa pamamagitan ng Google Chromecast or Apple TV para mas enjoy ang panonood.

The post Andrew E. teams up with Vivamax Goddesses appeared first on PSR.ph.



Andrew E. teams up with Vivamax Goddesses
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post