Another acting piece for Barbara Miguel in ‘Walker’

Gaganap sa isang mapanghamon at kakaibang papel ang award-winning young actress na si Barbara Miguel sa pelikulang Walker.

Ang walker ang bagong tawag ngayon sa mga prostitute.

Siya si Jonah sa naturang pelikula mula sa New Sunrise Films na pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan at mula sa panulat ni Troy Espiritu.

Tampok dito sina Allen Dizon, Rita Avila, Sunshine Dizon, Edgar Allan Guzman, Elora Españo, Dorothy Gilmore, Jim Pebanco, Dave Bornea, Rico Barrera, Alex Agustin, at iba pa.

Si Jonah ang mentally challenged na bunsong anak ni Dolores (Rita), in her teens. Mahuhuli ng mga pulis ang computer shop na kung saan ay ibinubugaw siya ng kanyang lolang si Carmen (Dorothy Gilmore) sa mga foreigners.

Kaya naman mapupunta siya sa kanyang panganay na kapatid na si Flor (Sunshine). 

Ngunit sa halip na mapabuti ay lalo siyang mapapasama sa kinakasama ng kanyang kapatid na si Greg (Allen).

Sa ginanap na virtual story conference ng pelikulang Walker ay nagpasalamat si Barbara sa pagiging bahagi niya ng proyektong ito.

Aniya, “Gusto ko lang pong magpasalamat kay Sir Dennis (Evangelista) and of course kay Direk Joel Lamangan dahil binigyan niya ako ng chance na maging part po ng movie na ito. 

“Excited po ako and sobrang pressured po ako sa role na gagampanan ko.”

Dagdag pa ng 17 anyos na si Barbara, “May autism po iyong character ko na si Jonah and kinakabahan po ako sa mga gagawin kong eksena.

“Pero dahil nga po kay Direk Joel ito, gagalingan ko po and sobrang excited po ako na makasama ko pong lahat ng nasa casts ng film.”

Idinagdag pa ni Barbara na sa ngayon ay pinaghahandaan na niya ang gagampanang papel dito.

Esplika ng dalagita, “Yes po, pinaghahandaan ko na po ang gagampanan kong role rito. Actually po kahapon and yung mga past days, nag-research po ako kung paano iyong autism talaga.”

“Kasi nakausap ko po si Direk Joel at tinanong ko po siya kung ano po bang klaseng atake ng autism ang gagawin,” sambit pa niya.

Si Barbara ay nagsimula sa showbiz sa murang gulang na 8, sa pelikulang Migrante na tinampukan nina Jodi Sta. Maria at Allen Dizon.

Pagkalipas ng isang taon, siya ay nanalong Best Actress sa 2013 Harlem International Film Festival via Joseph Laban’s movie na pinamagatang Nuwebe.

Nanalo rin siyang Best Supporting Actress sa ASEAN International Film Festival and Awards for Carlo Obispo’s 1-2-3 (Gasping For Air) na kasalukuyang napapanood sa Netflix.

The post Another acting piece for Barbara Miguel in ‘Walker’ appeared first on PSR.ph.



Another acting piece for Barbara Miguel in ‘Walker’
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post