Kim has a special treat this Halloween

Isa si Kim Molina sa pinaka-in-demand na aktres ngayon sa bakuran ng Viva.

Sunud-sunod nga ang projects n’ya sa Vivamax at dahil dito, may pressure ba siyang nararamdaman sa bago niyang movie?

Esplika ni Kim, “Well, ang lagi rin naman naming sinasabi na we’re just very grateful that we have work during the pandemic. Pagdating naman sa pressure, we’ll just do our best according to the script. Kung anomang trabaho o project ang ibibigay sa amin, yun lang naman din, eh.

“Para hindi namin maisip na, ‘A kailangan ganito ka rito, A kailangan iba naman tayo rito, ganyan…’ We just work according to what the production wants us to do. Were just happy, were just very grateful…”

Si Kim, kasama sina Candy Pangilinan at Jerald Napoles ay tampok sa horror-comedy movie na Sa Haba ng Gabi na swak na swak bilang Halloween presentation ng Vivamax.

Sa pelikulang ito, si Neneng (Candy) na katulong sa isang engrandeng mansiyon ng isang senator ay hinimok ang kanyang pinsan na si Jhemerlyn (Kim) na magtrabaho rito kasama siya. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Jhemerlyn na ginagamit ng senador ang mansiyon para doon dalhin ang kanyang mga babae.

Hanggang isang araw, umuwi ang senador na maputla at mukhang may sakit. Di nagtagal ay nabalitaan ng mag-pinsan na may virus na kumakalat sa buong probinsiya at ginagawa nitong zombie ang mga tao.

Habang nagaganap ang apocalypse, sa mansiyon din naisipang magtago ni Noel (Jerald), ang personal driver ng senator.

Simula na ng pinakamahabang gabi sa buhay nina Neneng, Jhemerlyn at Noel.

Ipinahayag ni Kim ang kaibahan nito sa mga nagawa niyang projects before.

Aniya, “Iyong proseso noong habang ginagawa kasi namin ang pelikulang ito, we’re all friends na nagkasama-sama sa isang project. Well, lahat naman, most of the movies that we’ve done, kami ni Jerald, we’re just very grateful that most of the project, kakilala na namin beforehand (ang mga ka-work namin).

“Ito kasi, ang daming nangyari habang sinu-shoot, nagka-earthquake, bumagyo… so, na-test yung patience naming lahat, yung friendship namin na kumapit tayo at may ginagawa tayong trabaho, habang malayo tayo sa family natin.

“So ako, parang feeling ko ay isang adventure of our characters, parang feeling ko ay adventure rin iyong shoot.”

Mahilig ba siyang manood ng horror movie?

Tugon ni Kim, “Yes, yes po, ako ay mahilig manood ng horror movies.

“So yung movie po namin… mahilig po kasi ako sa mga pelikulang yung sobrang nakakatakot, yung grabe yung mararamdaman mong kaba at kilabot… ah, hindi po ganoon iyong sa Haba ng Gabi, hahahaha!” Nakatawang saad niya.

“Kasi kabaligtaran po siya in a sense na fun kasi yung movie namin, kahit horror siya.”

Patuloy na esplika pa ng mahusay na comedienne, “It’s a fun movie for the family to watch ngayong Halloween. Na, alam mo iyon? Iyong parang… nakakaibsan pa rin ng kalungkutan habang mag-isa ka or kapag may kasama ka na gusto mong lumabas na kayo, pero hindi kayo makalabas dahil pandemic.

“It’s a different take on horror, it’s more fun than the usual movies that I want na horror talaga,” nakatawang saad pa ni Kim.

Hatid ng Reality Multi Media Studios at Viva Films, at mula sa pamamahala ni Direk Miko Livelo, mapapanood ang Sa Haba ng Gabi sa Vivamax simula sa October 29.

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at puwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng Vivamax subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

The post Kim has a special treat this Halloween appeared first on PSR.ph.



Kim has a special treat this Halloween
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post