Sarah Javier wins almost everything at Mrs. Universe Philippines 2021

Bongga ang singer-actress na si Sarah Javier, huh! Sa katatapos lang kasi na Mrs. Universe Philiipines 2021, na ginanap noong October 7 sa Okada Manila ay siya ang tinanghal na Mrs. Universe Philippines-Visayas.

Bukod pa rito ay nag-uwi siya ng maraming special awards gaya ng Buttterfly Kingdom e-Learning School (BKeLS) Philippines Ambassadress Luzon 2021, Mrs. Amelie International Inc Ambassadress 2021, Mrs.  Java Green Coffee, Mrs. Friendship, Mrs. Prima Sassybelle Ambassadress, at Mrs. People Choice Award 1st-Runner Up.

O ‘di ba, hakot-award si Sarah?

Sabi nga niya sa kanyang FB post na proud sa kanyang sarili, “I am your Mrs. Universe Philippines-Visayas 2021. I am grateful and honored to be part of the Mrs. Universe Philippines Family. Pinapasalamatan ko po ang lahat ng nagmahal at sumuporta sa akin. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan.”

Bukod sa masaya sa pagkapanalo niya sa Mrs. Universe Philippines 2021, masaya rin si Sarah dahil nandu’n sa laban niya ang kanyang mag-ama na sina Jay at Jacob para bigyan siya ng moral support.

Ang mommy Lily naman niya, na kahit nasa ibang bansa, ay nagpakita rin ng support  at pagmamahal sa kanya.

Incidentally, noong October 10, ay ipinadiwang nina Sarah at Jay ang kanilang wedding anniverary.

Sa pamamagitan ng kanyang FB ay binati niya ang kanyang gwapong eposo. Sabi niya,”I love you more than I did yesterday but not more than I will tomorrow.

“Happy Anniversary my babe.”

To Sarah, congratulations, and happy wedding anniversary sa inyo ni Jay. Hope na magtagal pa at manatiling matatag ang inyong pagsasama.

The post Sarah Javier wins almost everything at Mrs. Universe Philippines 2021 appeared first on PSR.ph.



Sarah Javier wins almost everything at Mrs. Universe Philippines 2021
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post