Christi Fider on ‘Heto Na Naman’ MV: Sana ay maka-work ko po si Joshua Garcia

Labas na ang latest single ng talented na singer/actress na si Christi Fider titled Heto Na Naman. Ito ay komposisyon ni Direk Joven Tan at available na ito sa Spotify, Apple Music, at Deezer.

Ibinahagi ni Christi na ang bagong single niya ay malaki ang kaibahan sa nauna niyang pinasikat na kanta.

Aniya, “Ang latest single ko, very malayo siya from Teka, Teka, Teka. Kasi iyong Teka… ay masyado siyang happy, eto naman ay medyo hugot tayo and of course, si Direk Joven din ang nagsulat nito.

“Ang Heto Na Naman is about taking a chance sa love. Na kahit paulit-ulit tayong nasasaktan ay pinipili pa rin natin ang magmahal ulit. Yung song is very different from other love songs.”

Ayon pa sa kanya, nakaplano na ang gagawin nilang music video ng Heto Na Naman, ngunit dahil sa Covid 19 ay naghihintay sila ng magandang timing.

“Yes po, lahat po iyon ay nakaplano na. Pero kasi, ngayon ay naghihintay lang kami na medyo lumuwag iyong protocol, para at least ay makapag-shoot kami nang mas maayos at mas maganda,” esplika ni Christi.

Kung sakali, sino ang type niyang maging leading man sa kanyang music video?

“Siguro… si Joshua Garcia, kasi sobrang pangarap ko talaga siyang maka-work, kasi ay napakagaling niyang actor.

“Na-meet ko na siya once and sobrang bait niyang tao. So iyon, sana ay maka-work ko po siya,” nakangiting saad pa ng itinanghal na Most Promising Female Artist sa PMPC Star Awards for Music recently.

Sa aming huntahan pa thru FB, nalaman namin na nagka-covid ang kanyang sister at brother, anong klaseng experience iyon para sa kanya?

“Very traumatic, kasi with covid hindi mo kasi siya masabi. Like marami kasi kaming kakilala na nawala na because of this sickness,” sambit niya.

“Buti na lang we’re all vaccinated sa house and naagapan namin. We’re all okay na, pero siyempre very careful na, kasi ayaw na namin mapagdaanan ulit ‘yun.”

How about yung na-quarantine siya, paano niya ito ide-describe?

Tugon niya, “Napakahirap! Kasi for two weeks nasa room lang ako, wala akong magawa and walang choice. Also yung fever, cough and colds, napakahirap. It is an experience na ayaw ko na maulit muli.”

Kaya ba niyang gumawa ng song, base sa experience niyang ito?

“Yes naman. Actually naisip ko rin siya… so siguro abangan na lang, hehehe,” nakangiting wika pa ni Christi.

Anyway, after ng debut movie niyang Ayuda Babes ay aarangkada ang acting career ni Christi. Nakatakda niyang gawin ang tatlong pelikula sa pagpasok ng year 2022, kaya excited na rito ang dalaga.

The post Christi Fider on ‘Heto Na Naman’ MV: Sana ay maka-work ko po si Joshua Garcia appeared first on PSR.ph.



Christi Fider on ‘Heto Na Naman’ MV: Sana ay maka-work ko po si Joshua Garcia
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post