‘Nelia’ cast members receive warm welcome from Korean community

Napahanga ng cast ng pelikulang Nelia ang Korean community sa kanilang ipinamalas kagabi, Nobyembre 19, sa isang pagtitipon sa Manila-Korea Town, sa Remedios Circle, Malate, Manila.

Dinaluhan ito ng iba’t ibang lider ng Korean community sa Maynila, kabilang sina Consul General Kyu Hu Lee ng Korean Embassy, Chairman Jae Jung Jang ng Manila-Korea Town Association, Chairman Jae Heung Byun ng United Korean Community in the Philippines, at ilang miyembro ng Korean Culture Center, Korean Sports Association in the Philippines, at Peaceful Unification Advisory Council – South East Asia upang pasinayaan ang pagbubukas ng Manila K-Town Cha Cha Cha Fest. 

Nagpakitang-gilas ang tatlo sa main cast ng “Nelia” na sina Ali Forbes, Shido Roxas, at Juan Carlos Galano sa kanilang song numbers at pagbibigay-aliw sa mga bisita.

Ikinatuwa rin ng Korean community ang pagdalo ng batikang aktor na si Raymond Bagatsing, na minsan nang napanood at pinahanga ang mga manonood sa kanyang performance sa isang Filipino film na nakasali sa prestihiyosong Busan International Film Festival sa Korea noong 2012.

Ayon sa Korean community, malaki ang potensyal ng Nelia na magkaroon ng Korean adaptation dahil sa kakaibang tema nito. 

Isang “daring suspense thriller” umano ang Nelia, na maihahalintulad sa mga Korean movies tulad ng “The Housemaid” at “Parasite,” na siyang kauna-unahang Korean film na nanalong Best Picture sa Oscars. 

Katunayan, may ilang Korean film production companies na ang kasalukuyang kumakausap sa producer ng Nelia na si Atty. Aldwin Alegre upang gawan ng Korean adaptation o remake ang pelikula. 

“We’re really very happy dahil hindi pa man naipapalabas ang aming pelikula ay napakaganda na ng reception na ibinibigay ng mga tao sa aming pelikula, lalo na sa Korean community.

“We look up to a lot of Korean films, at para maihalintulad nila ang Nelia ay isang malaking karangalan para sa amin. Ito lang ang natatanging suspense thriller genre na nakapasok sa MMFF this year, kaya excited din kaming ihandog ito sa mga Pilipinong manonood dahil mabibigyan namin sila ng kakaibigang putahe, kumbaga, ngayong darating na Pasko,” wika ni Atty. Alegre.

Kinumpirma rin ni Atty. Alegre na nakikipag-usap na sila sa ilang film production companies sa Korea para sa posibleng Korean remake o adaptation ng Nelia.

“Yes, may dalawa nang lumapit sa aming producers from Korea at gusto nga nilang gawan ng remake ang Nelia. Meron ding kumontak sa amin nito lang isang araw na production company rin from Los Angeles, California, na interesado sa Nelia for possible distribution naman sa US,” aniya.

Ang Nelia ay pinagbibidahan ni Winwyn Marquez bilang si Nurse Nelia. Isa ang pelikula sa napiling walong official entries ng Metro Manila Film Festival na ipapalabas sa mga piling sinehan sa buong Pilipinas ngayong darating na December 25.

The post ‘Nelia’ cast members receive warm welcome from Korean community appeared first on PSR.ph.



‘Nelia’ cast members receive warm welcome from Korean community
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post