Shaira Diaz wants to visit US again with family, talks about her role in ‘Lolong’

Nabago ang role ni Shaira Diaz sa Lolong, kung noong una ay isang assassin dapat siya sa serye, hindi na raw.

“Major change po siya so nawala na po ‘yung assassin na role so ngayon po ako rito si Elsie na simpleng tao lang, walang powers, pero matapang, one of the boys and may paninindigan po.”

Hindi naman nagdamot si Shaira na sumagot nang tanungin namin tungkol sa kanyang personal life.

Gaano kasaya ang personal niyang buhay in a scale of 1-100 percent?

“One hundred percent! Masayang-masaya po, masayang-masaya.

“Stable pa rin po, ganun pa rin, happy pa rin kami ni Edgar, pareho kasi kaming may shows  so nakakatuwa kasi parehas kaming busy kahit na pandemic.

“Priorities lang po talaga, e.”

Boyfriend ni Shaira si Edgar Allan Guzman na napanood naman kamakailan sa Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

And speaking of the pandemic, kapag natapos na ito, saan unang gustong pumunta ni Shaira at bakit?

“Sa US. Gusto ko po ulit bumalik sa US para kasing gusto ko na siyang maging ano, parang every year gusto ko nakakapagbakasyon ako sa US kasama ‘yung mga tita ko, ‘yung family ko roon.

“So iyon po, after the pandemic siguro sa US po ulit.”

Nitong nakaraang taong 2020 ay hindi raw siya nakapagbakasyon sa Amerika dahil nga sa pandemya kaya umaasa si Shaira na late this year o sa taong 2022 ay makabalik siya roon; may mga kamag-anak daw siya sa Virginia at sa San Francisco.

Habang hinihintay ang pag-ere ng Lolong, regular munang napapanood si Shaira sa I-Bilib tuwing Linggo ng umaga, 9:35, sa GMA kasama sina Chris Tiu at Roadfill Macasero na nagpapakita ng mga kagila-gilalas na eksperimento at kuwento tungkol sa science.

The post Shaira Diaz wants to visit US again with family, talks about her role in ‘Lolong’ appeared first on PSR.ph.



Shaira Diaz wants to visit US again with family, talks about her role in ‘Lolong’
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post