Sumabak na rin sa pagproprodyus ng pelikula ang Aliw Awardee at multi-awarded theater actor-director na si Vince Tañada ng Philippine Stagers Foundation.
Initial venture niya ang “Joe: The Movie,” isang makabagong pagsasadula tungkol sa buhay ng pambansang bayaning si Gat Jose Rizal na napanood sa ktx.ph.
Follow up movie niya ang big-budgeted period piece na Katips: The Movie na halaw sa kanyang matagumpay na stage musical noong 2016.
Ani Vince, ito raw ang unang proyektong iprinodyus niya para mapanood sa mga sinehan.
Dahil sa makabuluhan at napapanahong tema nito, ito raw ang naisip din niyang ipasok sa Metro Manila Film Festival na sa kasamaang palad ay hindi napili sa magic 8 ng taunang piyesta ng pelikulang Pilipino.
Pakiramdam din niya, may tungkulin siya na imulat sa mga kabataan tungkol sa mga tunay na nangyari sa ating kasaysayan.
“This is more an advocacy than a money-making venture. I was really hoping in the beginning that I can utilize this film as a medium for education.
“Kasi we’ve been promoting…me…. Alam ninyo naman that my great grandfather was also incarcerated during Martial Law. And I read a lot of fake news that Martial Law did not happen or if did happen, hindi ganito iyong nakita nila because they said that Martial Law is the glory days of Philippine history. I just beg to disagree and I want to reiterate that this a tool to educate our young people na may tendency na maniwala sa fake news.. na kailangan lang ipaalam sa kanila that those indeed, happened. I’d like to tell young people also na please don’t invalidate iyong mga karanasan ng mga tao tulad ng mga biktima ng kawalan ng hustisya. Gayunpaman, naging responsible tayo sa pelikulang ito. Nagpakita rin tayo ng achievements ni President Marcos at the same time, hindi naman sa pagiging fair pero I just have to make a stand kasi kapag neutral ka sa panahong ito, you’re siding with the oppressors, so I made a stand. This is a way of educating our young people through the means of art because Gen-Z, you know, you can’t confine education in the four walls of the classroom. You really need to utilize this form of art para marami silang matutunan. Iyan talaga ang objective ng film namin,” paliwanag niya.
Marami ring pagsubok na pinagdaanan si Vince na dahilan para mamulat siya sa tunay na misyon niya bilang isang artist.
“Namatayan ako. Namatay ang tatay ko. Nagka-covid kami. Buong pamilya ko pati iyong anak ko. Iyong panahong iyon, mga May 2020 siya. Ganoon pala iyong experience na kapag kinukuha ka sa bahay mo at dadalhin ka sa facility. Ganoon mo na-realize kung gaano kaikli ang buhay. Namatay iyong tatay ko. Iyong tatay ko, ayaw bumigay. Lumalaban talaga siya. Nag-ICU siya for one and a half months. Lahat ng savings ko, naiano namin. Nag-zero balance talaga ako kasi bilang nag-iisang lalake sa pamilya, I had to attend to all these things. Kaya pagkatapos noon, I talked to DepEd at sa ibang mga kakilala ko, I told them to use me and may talent. Fortunately, nakabawi ako, naka-bounce back ako in six months.
Kaya sabi ko, now is the time na kailangang may gawin ako, nanaig iyong love ko for the art, na sabi ko, hindi ko puwedeng i-postpone kaya nag-shoot kami kahit may pandemic.
Actually, being in this business is not a good source of livelihood. It’s not financially rewarding. It is only what makes me happy and gives me a sense of purpose and fulfillment. This has been my passion for several years. I may not be rich in material wealth but I’m rich in spirit. It is something that makes me alive kaya nandito ako ngayon,” pahayag niya.
Sa Katips:The Movie, ginagampanan ni Vince ang papel ni Panyong, isang subersibong manunulat noong panahon ng rehimeng Marcos na naging saksi sa iba’t-ibang anyo ng paninikil at paglabag sa karapatang pantao ng diktadurya.
Bida rin sa pelikula si Jerome Ponce bilang Greg, isang medical student at lider ng National Union of Students of the Philippines (NUCP)na naging kasangga niya sa pag-aaklas sa panahon ng mapaniil na rehimen.
Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi isang propaganda ang pelikula para sirain ang sinumang kandidato bagkus, ito raw ay isang paglalatag lamang ng mga tunay na naganap sa panahong hindi pamilyar sa mga kabataan.
Layunin din ng kanyang Philstagers Films na ipasok ito sa mga prestihiyosong international film festivals abroad.
Kasama rin sa all-star cast ng Katips: The Movie sina Mon Confiado, Johnrey Rivas, Lou Veloso, Nicole Laurel Asensio, Adelle Ibarrientos, Sachzna Laparan, Joshua Bulot, Vean Olmedo, Carla Lim, Patricia Ismael, Dexter Doria, Afi Africa, OJ Arci, Ricky Brioso, Liam Tanare, Dindo Arroyo, JP Lopez, Bernard Laxa at Nelson Mendoza.
Ang mga orihinal na awiting ginamit sa musical ay sinulat ng acclaimed musical composer na si Pipo Cifra.
The post Vince Tañada highlights Martial Law in new movie ‘Katips’ appeared first on PSR.ph.
Vince Tañada highlights Martial Law in new movie ‘Katips’
Source: Happy Pinas News