Why producer-sexy actress Ana Jalandoni picks Aljur Abrenica

Hindi nag-aalala si Ana Jalandoni na intrigahin siya o i-link kay Aljur Abrenica. Magkasama ang dalawa sa pelikulang Manipula. Si Ana ang bida rito at si Aljur naman ang leading man niya.

Ang pelikula na pinamahalaan at isinulat ni Direk Neal Tan ay isang erotic-thriller na kargado ng sex and violence. Plano itong ipalabas sa online streaming this coming December.

Esplika ni Ana, “Hindi naman po ako nag-aalala na intrigahin kami, kasi nagkasama kami ni Aljur sa mga out of town event. So, parang magkaibigan na naman kami, so parang wala naman pong takot.

“Actually, humihingi ako sa kanya ng tulong kasi nga po ay first time ko and mabibigat nga po iyong mga ginagampanan ko. Iyon po iyong support niya as a friend, kaibigan po talaga. Wala naman pong takot, komportable po kami sa isa’t isa.”

Si Ana rin ang producer ng pelikulang ito kaya inusisa siya kung bakit si Aljur ang kinuha niyang leading man?

“Ang totoo po niyon, actually si Direk Neal ang pinapapili ko kung sino po ang mga gusto niyang actor na maging leading man ko rito. Siyempre po istorya niya ito, so nagulat lang po ako nang nabanggit niya si Aljur.

“So sabi ko, ‘Okay, kasi kaibigan ko si Aljur’. Iyon po ang istorya niyon,” saad pa ng aktres na naging introducing sa pelikulang Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar ng Vivamax.

Nagkuwento rin si Ana sa mga character na ginampanan niya rito.

Aniya, “Six characters ang ginampanan ko po sa pelikula. Sa tulong po ni Direk Neal, nagampanan ko po iyong role ko. Iyong mga character na ginagampanan ko kasi, paiba-iba, eh…

“Pero iyong main character ko talaga rito is Sylvia, siya yung anak ni Alan Paule, tapos nag-revenge siya eh, kasi ni-rape siya tapos ay pinatay ang dad niya.

“Kaya siya naging manipula, kaya siya nagkaroon ng different personalities, para madakip niya yung mga nag-rape sa kanya at saka mailabas yung parang galit niya. Kasi roon siya nagiging masaya, kapag pumapatay siya… ganoon kalalim. Pero nakakayanan ko naman sa tulong ng mga co-actors ko at mga kaibigan ko.

“So, proud ako sa sarili ko kasi nalagpasan ko siya and I think nagawa ko iyong best ko.”

Anong character niya sa pelikula ang pinakanahirapan siya?

Sambit ng magandang aktres, “Pinakanahirapan ako, sa dalawa, iyong kay Kelvin na nagpanggap akong lalaki. Tapos iyong kay Sam, kasi super wild yung character niya.”

Ito ba ang pinaka-daring niyang pelikula at hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy?

“Ito po ang pinaka-daring sa nagawa kong pelikula. Kasi po usually ang ginagawa ko ay comedy-sexy … Ngayon ko lang po nagawa itong talagang may lalim ang kuwento.”

“Sa limitation naman po, actually depende po sa story. Kaya ko naman po ang magpa-sexy talaga, pero depende po sa amin ng direktor iyon. Kung magkakasundo po kami sa mga gagawin, kung ano po ang mga kailangang gawin, gagawin ko lang po,” nakangiting saad pa ni Ana.

Ang Manipula ay mula sa AFlix Media Production. Tinatampukan din ito nina Kiko Matos, Mark Manicad, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Alan Paule, Rolly Inocencio, at Rosanna Roces.

The post Why producer-sexy actress Ana Jalandoni picks Aljur Abrenica appeared first on PSR.ph.



Why producer-sexy actress Ana Jalandoni picks Aljur Abrenica
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post