Rhea Tan recalls COVID-19 challenges, says “Be grateful”

Halata ang excitement at kagalakan sa President and CEO ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan sa ginanap na launching ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters na ang endorsers ay sina Andrea Brillantes at Maja Salvador.

Panimula niya, “Grabe, hindi po ako nakatulog! Kasi, after almost two years, ngayon lang tayo ulit nagkita-kita.

“I cannot contained the happiness in my heart, at long last after almost two years ay nagkita-kita rin tayo. And kung maalala po natin ang last na get-together natin was February 2020, with Darren Espanto.

“Nang pumutok po ang pandemic ay parang hindi po ako prepared, so last year ang isa sa pinakamalungkot na masaya kong birthday. Kasi birthday week ko ay nag-close po kami ng office dahil every week ay may nako-covid po akong staff.

“So, masakit sa akin, kasi alam nyo naman po na napaka-close ko sa mga staff ko,” naiiyak na wika ni Ms. Rhea. “Bakit ka naiiyak, artista ka?” Nakatawang saad pa niya sa kanyang sarili.

Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Ang nangyari, parang nagsu-swab ang lahat… 100 employees sa main offce, after three days ay may positive and then after three days ulit,  may positive.

“So, parang wala na po akong lakas noong panahon na iyon. And lahat ng kasama ko ay nag-positive. So, birthday ko mismo last year, sabi ng aking doctor ay i-ready ko na raw po ang sarili ko, kasi baka ako raw ay positive na rin.

“So, i-magine-in nyo po, at 98 pounds, praise God! Ako lang po ang hindi na-Covid sa 15 staff na kasama ko. Hindi ba? Alam nyo ba ang lagi kong dasal?  ‘Lord huwag po ako, marami pong umaasa sa akin.’

“So noong pandemic na iyon ay naisip ko na magkaroon ng vitamins. Kaya eto na nga, isang taon po nating ginawa ang ating vitamins.

“Bakit siya Reiko and Kenzen? Kenzen means healthy at kapangalan din siya ng aking anak, si Ken. Reiko dahil pangalan ko, but in Japanese, it means beautiful. At least may recall and at the same time ay maaalala nyo lagi.

“Ito po ang ating health boosters, dahil ngayong panahon ng Covid, hindi ba laging sinasabi na kailagang mag-take ng vitamin C, lahat… melatonin, kompleto na po ang Beautederm at lahat po iyan ay FDA approved, kaya it took us a year para ilabas ito. And because sobrang addict po ako sa Japan, ipinagawa ko po ito sa Japan. Kaya safe na inumin itong pito sa isang araw.

“So ito, sa mga tulad kong parang kiti-kiti na kahit tulog ay nag-iisip, kailangan po natin ng sleep para hindi po tayo magkasakit. So, mayroon na po tayong sariling melatonin, mayroon tayong sleep enhancer.”

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.

Sa hiwalay na panayam ng press kay Ms. Rhea, nabanggit na suwerte sina Maja at Andrea dahil nabigyan ng ganitog launching?

Tugon ni Ms. Rhea, “Iyon nga eh, kasi we also had Dingdong Dantes, Piolo (Pascual), Bea (Alonzo), pero magkakaroon po tayo ng mga launching. Kasi, ang bilis po ng panahon, mare-renew na naman sila ng kanilang kontrata.

“So, makikita po natin sila. Kasi, gusto ko rin silang bigyan ng ganitong klaseng launching din, kasi they deserve it and I’m very proud of my babies.”

Sino pa ang gusto niyang maging endorser?

“Ah… sino pa ba? Anne Curtis, Sharon Cuneta, hehehe! Kasi I have Gabby (Concepcion), I have Ate Sylvia (Sanhez), I have Lorna Tolentino, I have Kuya Boyet de Leon. Eh, mga idol ko po iyan. So I think to complete the list, si Ms. Sharon Cuneta.”

Balitang gusto rin daw ni Ms. Shawie na maging Beautederm baby?

Nakangiting reaction ni Ms. Rhea, “It will be a pleasure na makasama ko po siya, dahil idol ko po iyan at lahat ng kanyang pelikula ay napanood ko po noong ako ay bagets pa.”

Inusisa namin si Ms Rhea kung kailan magiging open sa publiko ang ipinapatayo niyang magarang building?

“Sa February, so, we will have our own restaurant. The biggest clinic outside Metro Manila and It’s a seven storey building… mayroon po siyang sariling studio, kaya puwede nang mag-pictorial doon ang ibang artista. May studio na rin ako, mayroon din siyang function halls na ipapa-rent ko rin po and then may gym po siya and Beautederm office.

“May store rin ng designers (A-List). Para siyang Makati and Angeles po iyong design. So, kailangan na kompleto po tayo roon…  So, from damit, shoes, ganoon… everything will be there in one building,” sambit pa niya.

Ano ang kanyang birthday wish?

“Birthday wish? Maging healthy po tayong lahat at saka love lang po sa buong mundo… at saka prayers lagi. Kasi, iyon lang po ang naging sandata natin, kaya po tayo nandito ngayon,” wika pa ng very gorgeous at generous na lady boss ng Beautederm.

The post Rhea Tan recalls COVID-19 challenges, says “Be grateful” appeared first on PSR.ph.



Rhea Tan recalls COVID-19 challenges, says “Be grateful”
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post