Gretchen gives sacks of rice to San Lazaro Hospital

Masasarap na ngiti ang makikita sa mga mukha ng LAHAT ng medical frontliners sa San Lazaro Hospital na binahaginan ni Gretchen Barretto ng ilang sako ng bigas (na special rice talaga) last Friday.

Sobrang laki ng pasasalamat ng resident doctor na si Dr. Cherry Abrenica na contact ni Gretch na kalaunan ay naging kaibigan na n’ya rin, dahil sa tagal nang nagbibigay tulong ng former actress-socialite-philantrophist sa nasabing pagamutan. “Mga 2014 o 2015 nagsimulang magbigay ng tulong ni Gretchen dito sa amin. Dinadala pa n’ya dati ang anak n’ya (Dominique) at mga pamangkin,” kuwento ng doktora sa amin.

Dahil sa ligayang hatid ni La Greta sa pamamagitan ng 1,328 sacks of rice para sa buong healthcare workers ng ospital, nagpasadya ng imahe ni San Lazaro si Doc Abrenica na hindi raw nabibili sa kahit saang religious stores bilang pasasalamat nila sa palaging pagalala at pagtulong sa kanila ng una.

Bukod sa inyong lingkod, present din ang isa sa closest friends ni G (as we fondly call Gretchen) na si Grace Medina sa pag-turn over ng mga regalong bigas kina Doc Abrenica at pamamahagi nu’ng araw nding ‘yon sa ating unsung heroes, na nagsimula ng alas nueve ng umaga at natapos nang late afternoon. 

As of writing, naririto naman kami ni Grace sa St. Luke’s Global sa Taguig City alongside Gretchen’s other trusted friends, Rusky Fernandez of Resorts World Manila and former actress and businesswoman Ana Abiera, to share the 3,406 sacks of rice this time with each and every employee of the said hospital, including the maintenance and security personnel, apart from the medical frontliners. Past 7pm, hindi pa tapos ang pag-unload ng mga sako-sakong bigas mula sa pangalawang truck papanik sa Henry Sy auditorium ng St. Luke’s Global na nasa fifth level pa. Past 9pm na natapos ang turnover of donated sacks of rice ni G.

Dito sa ospital na ‘to na-confine at gumaling ang beloved Mommy Inday ni Gretch at mga kapatid nito nang magkaron ang Barretto matriarch ng Covid-19, kaya malaki ang pasasalamat ng ating tinaguriang beautiful girl (inside and out) at ngayo’y earth angel to many (sa loob at labas ng showbiz).

Ang next stop ng Team G to share Gretchen’s blessings ay sa Philippine General Hospital o PGH this coming Tuesday. All employees and medical frontliners will also receive a sack of rice. Total of 1,800 na sako ng special rice ang aming ipamamahagi. 

Ang susunod na tatlong ospital na makatatanggap din ng special gift na bigas mula sa kabutihan ni Gretchen ay ang St. Luke’s Hospital at National Children’s Hospital, both in Quezon City, at ang National Center for Mental Health o NCMH sa Mandaluyong City.

Ilang ospital pa ang naka-lineup upang mabigyang ligaya rin ni Gretchen, dahil para sa kanya, higit lalo ngayong hindi pa tapos ang pandemya, “Love is essential.”

The post Gretchen gives sacks of rice to San Lazaro Hospital appeared first on PSR.ph.



Gretchen gives sacks of rice to San Lazaro Hospital
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post