Ipinahayag ng veteran actress na si Lovely Rivero na masaya siya sa natoka sa kanyang role sa GMA teleseryeng Mano Po.
Aniya, “Nakakatuwa nga, kasi fan ako ng Mano Po movies and noong tinawagan ako for this project ay natuwa talaga ako.
“Actually, my character is a recurring guest role na tatakbo lang ng four weeks, but masaya pa rin ako dahil although guest role lang ito, medyo naiiba sa usual na role ko na mabait na nanay na palaging umiiyak.
“Ngayon, corporate, very particular sa trabaho at katiwala ng Presidente ng company kaya very proper, straight forward, at may slight lang naman na ‘taray’ ang dating,” nakangiting esplika niya.
Inusisa rin namin siya sa cast ng Mano Po.
Pahayag niya, “Ang regular cast members are Barbie Forteza, Maricel Laxa, Sunshine Cruz, Boots Anson Roa, David Licauco, Nikki Co, Rob Gomez, Dustin Yu and marami pang iba.
“Tapos may mga recurring guests like Robert Sena, Marissa Sanchez, Victor Basa, Marnie Lapus at yours truly, at marami pang iba.
“At ang gagaling ng directors namin, di matatawaran! Sila Direk Ian Lorenos, na naging director ko rin last year sa Init sa Magdamag at si Direk Easy Ferrer.”
Nalaman din namin sa aktres na ang Mano Po ay totally different sa pelikula ng Regal na sinubaybayan ng maraming Pinoy.
Saad ni Ms. Lovely, “Ang Mano Po na made for television, sa aking pagkakaalam, is a totally independent story po. Hindi siya connected sa story noong mga naunang Mano Po movies, although it is still about the Chinese-Filipino family, their culture and traditions.
“The TV version is a mini-series na ipapalabas nang mas maikli kaysa sa usual na teleserye at may iba-ibang istorya rito. Like yung story ngayon, ang alam ko mga 2-3 months yata ipapalabas, tapos ibang story naman after this.”
Paano niya ide-describe ang serye?
“Napaka-grandioso ng seryeng ito dahil umiikot ito sa pamilyang Chinese-Filipino na ‘di pangkaraniwan ang yaman at alam naman natin na totoong-totoo ito lalo na sa Philippine setting dahil maraming Fil-Chi families tayo na kilala na ganito.
“So, ‘di lang bongga siya visually, but pati yung cultural aspect ng Chinoys makikita rin natin. So aside from being a visual feast, marami tayong matututunan tungkol sa mga tradisyon at kultura ng mga Filipino Chinese,” aniya pa.
Maluwag na ba sa taping nila or lock-in taping pa rin sila rito?
Tugon ng aktres, “Maayos ang sistema sa safety and health protocols na pinapasunod nila sa taping, dahil ang priority talaga ay dapat healthy at ‘di magkakasakit lahat para rin tuloy-tuloy ang trabaho.”
Ngayong dumami na naman ang covid cases, maghihinay-hinay ba siya sa pagtanggap ng projects?
Mabilis na sagot ni Lovely, “No, ayaw ko nang maging factor sa akin ang Covid para maghinay-hinay sa work or even sa life! Hahaha!
“Ang ibig kong sabihin ay ganito-tinanggap ko na, na iba na ang buhay natin ngayon since nagkaroon ng Covid, kaya I go with the flow and life goes on for me.
“Ayaw kong manatiling ako’y nabubuhay sa takot dahil sa paniwala ko, binigyan tayo ng Diyos ng buhay na dapat ay malaya at masaya, thus, I shall live my life that way.
“Yes, may ibayong pag-iingat pero hindi ko hahayaan na tumigil ang ikot ng mundo ko at maparalisa ako ng takot. Sabi nga, ‘You will not die one day later or one day sooner than God had intended for you to.’ So, I try to be safe and cautious but I will not allow myself to live in fear anymore,” mahabang esplika pa ni Ms. Lovely.
The post Lovely Rivero: Ayaw ko nang maging factor sa akin ang COVID para maghinay-hinay sa work appeared first on PSR.ph.
Lovely Rivero: Ayaw ko nang maging factor sa akin ang COVID para maghinay-hinay sa work
Source: Happy Pinas News