NET25 honors Dolphy via new gag show

Pinagbibidahan ng magkakapatid na Eric, Epy, at Vandolph Quizon anga pinakabagong gag show ng NET25 na Quizon CT o Quizon Comedy Theater, na mapapanood tuwing Linggo, 8pm, pagkatapos ng Tara Game, Agad Agad.

Tiyak na sasakit ang panga ninyo sa katatawa kapag pinanood ninyo ito.

Mga classic Pinoy jokes na talaga namang mapapagulong ka sa saya.

Natutuwa at nagpapasalamat sina Eric, Epy, at Vandolph sa NET25 dahil binigyan sila nito ng chance to work with each other again after a long time. 

Sabi ni Eric sa virtual press conference ng Quizon CT, “‘Yung last time na nagsama-sama kami was, when dad was still alive. Kaya lang nagkaroon kasi kami ng sari-sariling careers. Siyempre maganda rin ‘yung tinahak ko, si Epy, ganoon din. At si Vandolph din naman, ay ganoon din.”

Napag-usapan din naman daw nila ni Epy na gumawa ng show na magkakasama silang magkakapatid.

“Sabi ko kay Epi, ‘bakit hindi tayo gumawa ng sarili nating show, mga ganyan.

“We’ve been cooking something for the last 2-3 years, pero this opportunity came na, NET25 asked us to pitch. So that’s what we did. Nag-pitch kami.

“At nagpapasalamat kami at napili nga ‘yung show namin na Quizon CT.”

Hindi lang artista sa Quizon CT si Eric, kundi isa rin siya sa direktor nito.

“I’m co-directing it with Epy.

“Kasi si Epy, sabi ko it’s about time na mag-direk ka na rin.

“And I think comedy is his forte.

“So sabi ko, tayong dalawa ‘yung mag-direk para hindi na rin ako mahirapan,” natatawang sabi pa ni Eric.

Kamusta ang pagdidirek sa kanyang dalawang kapatid?

“Una sa lahat, siyempre, masarap idirek ‘yung mga kapatid ko.

“Kasi kumbaga, nagkakaintindihan na kami.

“Alam namin kung saan magiging mas effective ang bawat isa.

“Like si Epy at si Van, meron kanya-kanyang forte, parang ganoon.

“So, kaya mas madali para sa akin na idirek yung mga kapatid ko. Kasi alam ko na naiintindihan nila.

“‘Pag sinabi ko, na hindi! Mali! Sumusunod sila,” natatawang sabi ulit ni Eric.

Bukod kina Eric, Epy, at Vandolph, kasama rin sa Quizon CT ang misis ni Vandolph na si Jenny Quizon, at Martin Escudero, Bearwin Melly, Gene Padilla, Gary Lim, Tanya Charuth at Billie Hakenson. 

The post NET25 honors Dolphy via new gag show appeared first on PSR.ph.



NET25 honors Dolphy via new gag show
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post