Sa ginanap na presscon ni Quezon City mayoralty candidate na si Rep. Mike Defensor, maraming nalaman ang media ukol sa kanya.
Tatlong dekada na pala siya sa politika at nagsimula ang political career sa gulang na 22 as councilor ng Quezon City and then later on at the age of 25, bilang congressman ng QC naman.
Naging miyembro rin siya ng gabinete bilang Secretary of Housing and then later on sa DENR.
Ngayon, si Rep. Mike ang kinatawan ng ANAKalusugan Partylist at front runner sa Quezon City mayoralty race.
Bukod sa pagsugpo sa COVID-19, ang ilan sa prayoridad ni Defensor sa QC na tututukan niya ng atensiyon ay ang hanapbuhay, edukasyon, at ayuda na dapat daw ay para sa lahat at hindi sa iilan lang.
Inusisa siya hinggil sa LGBTQ+ kung kasama ba sa listahan ng prayoridad niya ang paggawa ng batas para kanila?
Tugon ni Rep. Mike, “Sa tanong sa LGBTQ+, alam nyo, hindi ko alam kung informed… aware kayo rito, but I have an LGBTQ+ daughter. Si Miguel Defensor is my second child.
“Kasi, nag-aaral din ako that time, this was probably five years ago and siya naman papaalis siya the next day, going to London.
“He was at his 4th year high school, papasok ng university, pa-college na siya.
“So, nag-iiyakan ‘yung mga anak ko, hindi ko alam ang nangyayari, sabi ng matandang anak ko, ‘Dad can we speak with you?’ And I said, ‘Oo naman’. Pag-akyat ko nandoon lahat ng anak ko, I have five children, namumugto yung mga mata nila. Close kasi sila, inisip ko baka malungkot, nandoon din ang asawa ko.
“Tinanong ko kung ano ang problema, and sabi ng panganay ko (Mikee), babae iyon and she will be taking the bar next month, ‘Dad, Miguel has something to tell you.’ Pero sabi ni Miguel ‘yung ate na lang niya ang magsalita.
“And sabi ng anak ko, ‘Dad, Miguel is gay.’ Alam nyo pagtingin ko kay Miguel, alam ko na ‘yun eh, kasi anak ko eh, pero may halong apprehension, kaba. Pero ang ginawa ko agad, inakap ko siya at sinabi ko, ‘I love you very much, I love you, nothing will change, I love you,’ habang hinahaplos ko ang likuran niya.”
Pagkasabi niya nito nagpasalamat sa kanya si Miguel at nagsabing, “I love you dad.” “Tapos sabi ko sa anak ko, “O anak, babae ka na dapat ‘yung moral value is… alam mo naman,’ at natatawa naman siya.”
After ng insidenteng iyon, kuwento pa ng kongresista na nakita niya kung gaano kasaya ang anak na si Miguel.
“After niyon, nakita ko agad, para siyang she’s happy, always. And dati kapag nagbibiyahe kami, hindi ko na siya pinagbubuhat ng mga gamit dahil babae na siya eh, kahit gusto niyang tumulong.
“And you know, nakita ko talaga na this child of mine is so smart… first honor- elementary, valedictorian noong high school and now she’s taking her masters. Sabi ko nga, noong tinatanong ako, ‘Can you imagine kung minura ko siya roon, sinipa ko siya, at nireject, or binugbog?’
“You know, that child to my mine who is a genius, now she is happy and can contribute so much for her country, for her family.
“Eh kung may rejection ng feeling iyan, hindi ba? I’m sure she will still be a good person, pero deep inside ay bitbit-bitbit niyang yun the whole time.
“So sabi ko, ‘The only way that you can unleash the best of what should come out of your children, is to show them love. And that person or whoever, should not be judge sa kanyang sexual preference, but the kind of person she is,” mahabang kuwento pa ni Rep. Mike.
Pati raw ang pade-debut nito sa gulang na 21, sinuportahan niya ang anak, nagsayaw daw sila ng Father and Daughter dahil gusto niyang makita na mag-debut ito na tulad ng anak niyang nag-debut.
Esplika pa ni Rep. Defensor, “Kaya masasabi ko, of course may puwang ang LGBTQ+ sa aking pamumuno at siyempre welcome ko rin ang mga ideas ninyo na gustong ibahagi sa akin.
“Nandyan naman ang group, siguro ang question lang ay kung sino ang mag-oorganize. Welcome sa akin yung ideas ninyo, I mean, the feedback will also be coming from you dahil may listening post kayo sa nangyayari sa ating siyudad, and I also welcome that friendship, that camaraderie with you,” nakangiting dagdag pa niya.
The post QC mayoralty candidate Mike Defensor proves he’s LGBTQ+ ally appeared first on PSR.ph.
QC mayoralty candidate Mike Defensor proves he’s LGBTQ+ ally
Source: Happy Pinas News