Thea Tolentino discovers love for food and art

Paano pinangangalagaan ni Thea Tolentino ang mental and physical health niya ngayong mga panahon na delikado at sensitibo ang sitwasyon ng mundo?

“Ngayong panahon ng pandemic, I found new hobbies: cooking and painting.

“Nakakalma ako pag nagpe-paint ako and dahil everyday ko siyang ginagawa, parang  hinahanap na siya ng katawan ko and it takes my mind off any problems.

“Sa pagluluto, masaya siya kasi hindi lang sarili mo ang napapasaya mo kundi nakakatulong na nakikita kong happy yung mga taong pinagluluto ko.

“Physically naman, mahirap i-maintain ang weight ngayong pandemic. Nakahanap din ako ng way para enjoy pa rin, nagba-bike kami ng family ko around here. Siguro, through activities na may bonding din ako with my family.”

Umamin si Thea na nakaranas siya ng panic/ anxiety attack dahil sa pandemic noong 2020.

Ibinahagi niya kung paano niya ito nakontrol o na-manage.

“Naghanap ako ng way na ma-express ko yung sarili ko and I found that with painting.

“At kumuha ako ng pusa. Sabi nila, nakakatulong nga yung pets. “And ako, matagal ko na talagang gusto ng pusa, sumakto na may nahanap yung friend ko and I adopted my cat, si Blair.”

May payo o advise si Thea Tolentino para sa mga millennials na katulad niya ngayong panahon ng pandemya.

“Don’t be too hard on yourself.

“Okay lang kung nafi-feel mo na lost ka kasi lahat naman pinagdadaanan yun ngayon.

“Better days are coming, dala lang talaga ito ng pandemic dahil masyado tayong nakukulong sa bahay and siguro yung extrovert side of us wants to do activities na mas malaki sa mga nagagawa natin ngayon sa bahay lang.

“Focus lang sa present muna, bawasan muna natin as much as possible ang mag-overthink, huwag tayong masyadong mag-concentrate sa negative energy,” pahayag ni Thea

Speaking of Thea, muli siyang mapapanood sa isa na namang kuwento ng tunay na buhay ang mapapanood ng Kapuso viewers sa ‘Magpakailanman’ ngayong Sabado. 

Pinamagatang “Sign Language of Love,” pagbibidahan ito nina Thea at Jeric Gonzales bilang sina Beth at Alex. 

Isang teacher sa school for the deaf si Beth. Dito niya makilala ang estudyante niyang si Alex, na mahuhulog ang loob sa kanya. Paano haharapin nina Beth at Alex ang panghuhusga at pagtutol ng mga tao sa paligid nila?

Para magampanan ng mabuti ang kani-kanilang mga karakter, kapwa dumaan sa workshops sina Thea at Jeric para matuto ng sign language.

Abangan ang “Sign Language of Love” sa Magpakailanman o #MPK ngayong Sabado, 7:15 p.m. sa GMA-7.

*****

Malapit ng mapanood si Shaira Diaz sa Lolong ng  GMA kung saan sila nina Ruru Madrid, Arra San Agustin at Christopher de Leon ang mga bida.

Tungkol ito sa kuwento ng isang higanteng buwaya at itinanong namin kay Shaira kung may eksena ba siya na may kasama siyang totoong buwaya.

“Ang alam ko po wala namang totoong buwaya sa Villa Escudero pero siguro kung meron man at medyo malayo, okay lang.  Na kunyari lalakad lang, pero kung hahawakan parang siyempre kailangan yung safety muna natin.

“Pero meron po kaming malaking Lolong, animatronics, iyon po, sobrang laki niya.

“Mostly iyon po ang kaeksena namin, yung malaking buwaya na yun.

“Excited po ako kasi first time ko na ang co-actor ko ay isang buwaya na parang robot, na pinapagalaw nila.”

Kung totoong buwaya ang ipapahawak kay Shaira, papayag naman daw siya.

“Siguro mabilis lang po,” at tumawa ang Kapuso actress, “mabilis lang po, siguro bandang buntot lang, huwag na po dun sa bibig. Buntot lang at likod, medyo matapang naman po ako sa animals, pag nakatalikod lang siya, huwag lang siyang haharap.”

Bukod sa Lolong with Ruru Madrid ay regular rin na co-host si Shaira nina Chris Tiu with Roadfill Macasero sa iBilib tuwing 9:35 ng umaga tuwing Linggo sa GMA.

Sa iBilib ay nagpapakita sila ng mga napapanahon, kagila-gilalas at makabuluhang eksperimento at kaalaman sa larangan ng sining at siyensiya.

The post Thea Tolentino discovers love for food and art appeared first on PSR.ph.



Thea Tolentino discovers love for food and art
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post