Last Saturday, napanood si Ynez Veneracion bilang isa sa tampok sa Wish Ko Lang ng GMA-7.
Ayon kay Ms. Ynez, mas gusto niya itong mga TV guestings dahil hindi pa niya kayang sumabak sa mahabang taping days, lalo na sa nauuso ngayon ang lock-in taping.
Sabi ng aktres, “Actually, gusto ko ng mag-taping nang mag-taping, pero sana iyong mga short guestings lang… like mga two days, two days taping, ganyan.
“Hindi ko pa kasi rin keri ‘yung quarantine, tapos lock-in taping. Kasi may baby ako and gusto ko sana na mag-spend ng time talaga sa aking baby. Kasi, hindi ba, minsan lang silang maging baby? So, maganda na yung matutukan mo talaga ang yong anak habang baby pa.”
Nakita namin ang FB post niyang ka-lunch date nila sa Greenbelt ang dad ng eldest niyang si Princess Keilah na si Maguindanao Representative Esmael ‘Toto’ Mangudadatu.
Dito’y nagpasalamat si Ynez sa dating governor: “Had lunch at Greenbelt 3 with her papa Toto. Thank you for spending time with us & also for being such a good father to Keilah. She missed you so much & was so happy to see you. Until next time. Stay safe & healthy gov. Allah bless you.”
Kaya inusisa namin kung gaano ka close si Princess Keilah sa kanyang dad?
Tugon ni Ynez, “Sakto lang, hindi masyado pero kapag nagkita sila, sweet naman ang Papa niya sa kanya.”
Keilah is turning 10 this coming February 11. Pero ayon kay Ynez, parang dalaga na raw ang kanyang panganay.
“Yes. Grabe! Time flies so fast!” Bulalas niya. “Iba na siyang manamit ngayon. Mga dress-dress talaga na pang-dalaga. Mga sandals na gusto niya, pang-dalaga na rin, as in pang-teens.”
Nalaman din namin kay Ynez, na interesado rin pumasok sa showbiz ang kanyang panganay.
“Naku, oo! Sabi ni Gov (tawag ni Ynez kay Rep Toto) sa kanya, mag-law siya. Pero sabi niya, ‘I wanna be an actress, like mommy.’
“Pero sabi ko okay lang yun, pero dapat maging businesswoman din siya dahil mahirap din ang buhay-showbiz minsan,” pakli pa ni Ynez.
Kung sakali, papayagan ba niya? “Yes, pero after siguro ng school niya. Sa ngayon priority ang pag-aaral.”
Anong klase siyang mommy, strict ba?
“Hindi masyado. Bina-balance ko lahat. Minsan nai-spoil ko kasi nga, gusto kong ibigay yung mga kasiyahan na hindi ko nakamit noong kabataan ko. Pero kapag sa tingin ko na nasosobrahan na, I know how to stop naman.
“Then kinakausap ko siya sa mga dahilan kung bakit di ko ibinigay yung mga ibang gusto niya. So balance lang talaga.”
Para sa kanya, ano ang pinaka-the best sa pagiging mommy?
Esplika ni Ynez, “Being able to love in the purest way. An awakening that unconditional love is for real. Sa tingin ko iyan ang pinaka-the best sa pagiging isang ina.”
The post Ynez meets ex-partner appeared first on PSR.ph.
Ynez meets ex-partner
Source: Happy Pinas News