Lovely Rivero on working with American director and producer: It’s a dream come true

Napanood namin last week si Lovely Rivero nang mag-guest siya sa Magpakailanman ng GMA-7.

Gumanap si Ms. Lovely sa episode na pinamagatang Asido Sa Kamay Ng Asawa, bilang protective mom ng anak niyang si Jasmine (Max Collins) sa naging partner nitong abusadong tricycle driver na si Brando (Martin del Rosario).

Dito’y mafi-feel nang manonood ang husay ni Lovely bilang aktres. Very convincing kasi ang kanyang portrayal bilang mother ni Max. 

Palibhasa’y isang mother talaga si Ms. Lovely in real life, kaya alam niya ang pakiramdam ng isang ina kapag nalagay sa ganoong sitwasyon ang kanyang anak.

Anyway, napansin namin na suki ang magandang aktres sa GMA-7. Kaya naman nabanggit niyang thankful siya na naging part ng Mano Po ng GMA-7.

“I’m also very thankful and grateful sa GMA-Kapuso Network and also sa Regal televison production dahil kahit paano ay maganda ang naging feedback sa role ko sa Mano po.

“Although it’s not full length, bale nandoon lang ako sa first half, but napansin kahit paano. So, I’m very-very thankful and I’m hoping to also work with Regal again and of course, to continue working talaga with GMA-7.”

After ng Mano Po at Magpakailanman, tumuloy si Lovely sa set ng isang all English, international indie film na ginagawa ngayon dito sa Pilipinas ng American actor/director/writer na si Anthony Diaz at ng kanyang ama na si Antonio Diaz.

Pangalawang pelikula na nila ito sa Pilipinas under Kaizen Studios at sa pamamahala ni Ms. Elaine Lozano sa Philippine side.

Katatapos lang i-shoot ni Lovely ang kanyang mga scenes last Feb. 20 sa pelikulang pinamagatang The Visitor, na siya’y gumaganap ng isang mahalagang role.

Ang iba pang Filipino actors na kasama rito ay sina Jake Cuenca, Joel Torre, Jong Cuenco, Mara Lopez, Claire Ruiz, Anna Marin, at Yussef.

Saad ni Lovely, “It’s a dream come true to experience working with an American director and basically an American run production. Marami akong natutunan sa kanila and amazing para sa akin yung nakita kong pagka-passionate, disciplined at hands-on nila.

“I hope makagawa ako ulit ng movies under them sa mga susunod nilang projects ‘coz it was great working with them at nakakatuwa dahil malaki ang bilib at respeto nila sa Philippine actors, production staff, at crew natin.”

Nakatakdang magkaroon ng malaking premiere night ang nasabing pelikula within this year.

Sa ngayon, looking forward na naman si Lovely sa mga TV guestings na darating sa kanya at maaaring isang bagong serye sa hinaharap.

The post Lovely Rivero on working with American director and producer: It’s a dream come true appeared first on PSR.ph.



Lovely Rivero on working with American director and producer: It’s a dream come true
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post