Sef Cadayona leads ‘MPK’ new story

Bibida si Kapuso comedian Sef Cadayona sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap siya bilang Amado Aguilar o mas kilala sa palayaw niyang Madz.

Dahil sadyang malikhain si Madz simula sa kanyang pagkabata, nagkapagtrabaho siya bilang segment producer ng iba’t ibang variety shows sa telebisyon.

Namayagpag ang career ni Madz pero tila sa love life siya binawian ng tadhana. Isang out and proud gay man si Madz pero sadyang hindi makahanap ng matinong lalaking magmamahal sa kanya.

Karamihan dito ay niloko lamang siya, kabilang si Dave, ang karakter ni Mark Herras.

Bukod dito, magkakasakit si Madz at mananatiling nakaratay sa ospital ng ilang buwan–bagay na uubos sa kanyang pinaghirapang ipon.

Makabangon pa kaya si Madz?

Abangan ang “Kapag Lumingon Ka, Kay Madz Ka: The Amado ‘Madz’ Aguilar Story,” February 5, 8:00 pm sa #MPK.

The post Sef Cadayona leads ‘MPK’ new story appeared first on PSR.ph.



Sef Cadayona leads ‘MPK’ new story
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post