Ang kilalang movie producer na si Ms. Edith Fider ng Saranggola Media Productions ay nagpahayag na ang tandem nina Isko Moreno at Sara Duterte ang susuportahan ng kanilang grupong Isang Pilipinas.
Si Ms. Edith ang producer ng musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story, na halaw mula sa talambuhay ni Manila Mayor Isko Moreno.
Dinaluhan ng iba’t ibang personalidad, kabilang na ang former actress na si Vivian Velez, ang paglulungsad ng Isang Pilipinas movement na isinusulong ang tambalang Isko-Sara.
Dito’y ipinaliwang ni Ms. Edith ang kanyang suporta sa naturang tandem.
Wika niya, “Ako kasi hindi politiko at itong samahan na ito kaya ko sinamahan, kasi ay hindi politikong samahan ito.
“Iyong Isang Pilipinas ay samahan ng mga botante, ng mga supporters… samahan ng mga supporters ito, hindi samahan ng mga politiko.”
Pagpapatuloy pa ni Ms. Edith, “Ngayon, may dalawang buwan pa, sa dalawang buwan na natitira, gusto kong ilabas iyong frustrations ko bilang botante, bilang Filipino.
“Kasi itong laban ni Isko, nagkaroon ako ng pagkakataon na pumunta sa grounds. Kaming mga samahan, nakita ko iyong frustrations ng mga kababayan natin, nakita ko iyong mga hinihiling nila, na hindi nila maiparating, hindi marinig ang boses nila.
“So, kami ngayon tatayo rito bilang boses ng mga mamamayan, bilang boses ng mga Filipino. Kailangan natin ng pagbabago, iyong tunay na pagbabago na hindi dinidikta ng politika, iyong kami ang pipili.
“We are in a multi-party system. Samantalahain natin ito, mapipili na rin lahat ng gusto natin. Masusuri natin isa-isa lahat ng mga kandidato… Iyon ang ipinagalalaban ko, para sa mga anak ko, para sa mga apo ko, para sa mga kababayan kong hindi makapagsalita. Ito ang panahon para kami ay magsalita.”
Ipinahayag din ng lady producer na sina Isko at Sara lamang ang may kakayahan na tugunan ang mga paparating na problema ng bansa.
Aniya, “Kasi, iba na yata ang magiging problema ng bayan natin. Mukhang nakakaraos na tayo sa pandemya, kahit mahal na mahal namin si Doc Willie Ong, alam namin na may kalalagyan siya.
“But kailangang-kailangan ng isang Isko-Sara tandem. Kasi, ang haharapin natin ay mas mabigat na problema kaysa sa pandemya. Haharap tayo sa nagbabantang giyera sa buong mundo, haharap tayo sa nagbabantang gulo sa buong mundo.
“So, ito ang dapat nating paghandaan at among the presidentiables, tanging sina Isko at Sara lamang ang may mga resibo sa pagiging mayor nila sa kanilang mga bayan. At kaya nila itong i-stage sa buong bansa.
“Besides, sila ay bata, sila ay energetic, sila ay makabago ang pag-iisip, at mabilis kumilos,” esplika pa ni Ms. Edith.
The post Isko-Sara tandem kailangan says Isang Pilipinas member Edith Fider appeared first on PSR.ph.
Isko-Sara tandem kailangan says Isang Pilipinas member Edith Fider
Source: Happy Pinas News