Beautéderm Corporation welcomes Bea Alonzo

Magarbo ang ginanap na presscon ng Beautéderm Corporation sa Luxent Hotel para sa pagsalubong kay Bea Alonzo as brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

Full force at buong-buo ang effort ng Beautederm Team at ng lady boss nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan para maramdaman ni Bea ang ibang klaseng pagmamahal at asikasong Beautederm.

Ito’y bilang pagpapakita ng respeto sa A-list endorser nilang si Bea at dahil sa pagpapahalaga at pagmamahal ng Beautederm team sa mga member ng entertainment media.

Sabi nga ng mga kapatid sa panulat, ibang klase talagang mag-alaga ng endorser si Ms. Rhea, pati na ang pagmamahal niya sa press ay buong-buo talagang nararamdaman.

Anyway, ang Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements.

Ang Reiko Slimaxine ay isang Diet Enhancer habang ang Reiko Fitox naman ay isang Digestion Enhancer – na parehong masusing nilkha upang makapag-bigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall well being ng bawat indibidwal lalo na ngayon na mahirap ang buhay at ang magandang pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Mahalaga ang digestion sapagkat kailangan ng katawan ng nutrients upang gumana ito ng maayos at manatiling malusog.

Ang Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm ay parehong meticulously developed and formulated upang matulungan ang katawan para magkaroon ng optimum digestive health.

Ang kombinasyon ng dalawang supplements na ito ay nakakatulong upang ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food sa katawan at tinutulungan din nito ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan while allowing the consumption at digestion ng pagkain ng walang discomfort.

Ang malusog na sikmura ay mayroong good bacteria at immune cells na nakakatulong sa pagiwas sa mga infectious agents gaya ng viruses at fungi.

Isa si Bea sa pinaka-abalang artista sa showbiz. Sa kanyang illustrious career na dalawang dekada na ang itinatakbo, naiapakita ng Kapuso actress kung bakit siya ay isang top celebrity endorser.

Ibinabalanse ni Bea ang kanyang personal na buhay at trabaho at isa siyang self-confessed foodie. Ginagantimpalaan niya ang kanyang sarili ng masasarap na pagkain habang mine-mentain ang isang active lifestyle upang mapangalagaan ang kanyang katawan at isip.

“Perfect na digestive supplements para sa akin ang  REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut,” ayon kay Bea.

“Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox sa pag- maintain ng isang healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

Ang President at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea ay naniniwala na si Bea ang best ambassador na kakatawan sa Reiko Slimaxine at Reiko Fitox ng Beautéderm.

“Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Ms. Rhea. 

“Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga priodidad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health,” aniya pa.

Talagang ang tunay na kagandahan ay ang pagmamahal sa sarili at ang malusog na pangangatawan ang susi sa isang mahaba at maligayang buhay. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ang best partners sa pagtamasa ng mga benepisyo ng isang malusog na sikmura.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm at pati na rin sa mga kapana-panabik na mga balita tungkol kay Bea Alonzo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; sundan ang @bdhealthboosters sa Instagram; sundan ang @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

The post Beautéderm Corporation welcomes Bea Alonzo appeared first on PSR.ph.



Beautéderm Corporation welcomes Bea Alonzo
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post