No violent reaction from Bb. Pilipinas, Cindy Miranda continues doing sexy roles

Sa zoomcon ng series na Iskandalo, nilinaw ng beauty queen turned actress na si Cindy Miranda na walang isyu sa Bb. Pilipinas Charities ang pagpapa-sexy niya.

Katunayan, niwe-welcome raw ng kanyang peers ang kanyang desisyon tulad na lang ng pagsabak nina Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Ariella Arida, Maxine Medina at iba pa sa pag-aartista.

Dagdag pa niya, naiimbitahan pa rin daw siya sa mga events ng BPCI so pakiwari niya ay wala namang violent reaction ang organisasyon sa kanyang ginawang paghuhubad sa pelikulang Adan at iba pang Vivamax movies.

Pagkatapos na pag-usapan sa LGBT themed movie na Adan, happy naman si Cindy dahil nabigyan siya ng chance na makapag-aksyon sa 10-part series na Iskandalo.

Aniya, dream daw talaga niyang gumawa ng hard core action movies na tipong ala John Wick.

Gusto raw din niyang maging versatile actress kaya enjoy siya sa pagta-tackle ng iba’t-ibang roles.

Sa Iskandalo, ginagampanan ni Cindy ang  role ni Patricia, isang detective na layuning linisin ang pangalan ng kanyang ama sa krimeng kinasangkutan nito.

Mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr.,kasama rin sa cast ang mga pantasya ng mga barako na sina AJ Raval, Ayana Misola, Angela Morena at Jamilla Obispo.

Kabituin din sa all-star cast na ito sina Jay Manalo, Arnold Reyes,Sean de Guzman, Joonee Gamboa at marami pang iba.

Ang 10-part series na Iskandalo ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Abril 10.

The post No violent reaction from Bb. Pilipinas, Cindy Miranda continues doing sexy roles appeared first on PSR.ph.



No violent reaction from Bb. Pilipinas, Cindy Miranda continues doing sexy roles
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post