Barbie’s new found love? BG Party-list 108 2nd nominee will focus on food, security, education

Guwapo at binata ang 2nd Nominee ng Bisaya Gyud (BG) Partylist 108 na si Atty. Mico Clavano kaya naman hindi katakataka kung ma-link siya sa kahit na sinong magandang babe.

Kamakailan, dahil sa friendship ng maganda at seksing aktres na si Barbie Imperial kay Atty. Mico at may nakakita na magkasama sila ay may mga kinilig dahil bagay daw ang dalawa.

Wala naman sigurong masama dahil si Barbie ay walang karelasyon ngayon, the same with Atty. Mico.

Pero huwag nating pangunahan kung ano ang mayroon sa pagitan nila, kung may something ba sila or magkaibigan lamang.

Hintayin natin kung may ia-announce sila very soon.

Samantala, ang Bisaya Gyud Partylist 108 ay may hangarin na pagtuunan ng pansin ang apat na aspeto; food, security, shelter at education – ang mga ito ay kaakibat ng personal niyang adbokasiya upang tulungang mapababa o tuluyang mawala ang kahirapan sa bansa.

Nais din ng nabanggit na partylist na isulong ang mga plano upang mas lalong mapabilis ang paghilom ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga mamamayan tulad ng livelihood recovery projects sa mga lugar sa Bisaya at Mindanao “where economic growth is stunted.”

Ang businesswoman na si Alelee Aguilar-Andanar ang First Nominee ng Bisaya Gyud Partylist 106 at natagpuan niya ang kanyang calling sa serbisyo publiko mula pa noong pagkabata.

Lumaki sa pamilya ng mga public servants, mahusay at passionate sa public service at business management si Alelee.

Bilang maybahay ni Presidential Communications Secretary at acting presidential spokesman na si Martin Andanar na isang Bisaya, naniniwala si Alelee na ang pagpapahalaga sa kabuhayan ng mga Bisaya ay nararapat na pagtuunan ng panahon at atensyon sa layunin ng ating bansa tungo sa kaunlaran at progreso.

The post Barbie’s new found love? BG Party-list 108 2nd nominee will focus on food, security, education appeared first on PSR.ph.



Barbie’s new found love? BG Party-list 108 2nd nominee will focus on food, security, education
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post