Beautéderm owner Rhea Tan praises Marian, Bea

Nagpahayag ng kagalakan ang President at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan dahil ang Beautederm ay nakuhang endorsers ang Primetime Queen na si Marian Rivera at Movie Queen of her Generation na si Bea Alonzo.

Wika ng lady boss ng Beautederm, “I’m very happy po na nakuha ng Beautederm ang magagaling na artista.”

Dagdag pa ni Ms. Rhea, “Pero main reason naman kaya we get endorsers ay para makilala ang brand. Sila kasi ang magre-represent niyon. Sino ba naman ang hindi kikiligin na may Marian ka na, may Bea ka pa?”

Pinuri niya ang kabaitan ni Bea, “Si Bea super-idol ko iyan. Inulit-ulit kong panoorin yung movies niya. At alam niya yun, even teleserye niya inuulit ko at tag ko sa kanya. Napakagaling na actress ni Bea.

“Kaya when she said yes to be one of my endorsers, sobrang saya ko at nakilala ko ang isang Bea Alonzo,” masayang saad pa ni Ms. Rhea.

Aniya pa, “Si Bea right endorser talaga sa slimming natin. Kasi sinasabi niya na puwede kung gusto mo di ba? Self love yun sa aming mga kakabaihan. Need natin alagaan ang health natin, ‘di lang para sa sarili natin. Pero dahil din marami ang umaasa sa atin, kaya need natin maging healthy.

“Bea is super sweet. Kahit maliit na bagay ang ipadala ko sa kanya, she takes time to acknowledge it. I call her Basha talaga, kasi fave ko movies nila ni John Lloyd.”

Ito naman ang masasabi niya sa magandang misis ni Dingdong Dantes.

Sambit ni Ms. Rhea, “Si Marian, gandang-ganda ako sa kanya. Parang Mama Mary ang beauty niya, hahaha! Iyong eyes niya ay sobrang ganda, laging naka-smile. What I love about her napaka-witty, ‘di ba?

“Ang ganda niya, tapos ay palatawa lang siya. Mas lalo ko siyang minahal nang naging nanay siya. Kasi super hands on, she knows her priorities sa buhay. Laging number-1 ang family sa kanya, kaya best at bagay na bagay sa Beautederm Home. Nag-eexcel si Marian hindi lang sa work, kundi pati sa pagiging ina at misis ng tahanan.”

Nabanggit din ng mabait at masipag na lady boss na masaya siya dahil naging parte sina Bea at Marian sa pag-spread ng advocacy ng Beautederm.

“Ang company natin, maraming natutulungan at pinapag-aral. And happy ako na kasama ko sina Bea at Marian sa pag-spread ng advocacy na iyon.

“Na kapag bibili ka ng Beautederm, marami tayong mga bata na napag-aaral, kasi may foundation tayo, nagpapa-college tayo. Tapos pati employees namin mismo, yung mga anak nila ay may scholarships,” lahad pa ni Ms. Rhea.

Si Marian ang endorser ng Beautéderm Home na ang bagong produkto ay ang Pour Tout Faire – na isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces dahil pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya.

Si Bea naman ang brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox. Ito ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements na parehong meticulously developed and formulated upang matulungan ang katawan para magkaroon ng optimum digestive health.

Ang kombinasyon ng dalawang supplements na ito ay nakakatulong upang ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food sa katawan at tinutulungan din nito ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan while allowing the consumption at digestion ng pagkain ng walang discomfort.

The post Beautéderm owner Rhea Tan praises Marian, Bea appeared first on PSR.ph.



Beautéderm owner Rhea Tan praises Marian, Bea
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post