Zanjoe explores his artistry via new Vivamax movie

Matitinding intimate at daring scenes ang makikita kay Zanjoe Marudo sa pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal na palabas na ngayon sa Vivamax.

Tampok din dito sina Kylie Verzosa, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Lara Morena, Evangeline Pascual, at Cara Gonzales, mula sa pamamahala ni Direk Richard Somes.

Bukod kay Kylie, kaabang-abang ang mga love scene ni Zanjoe rito kay Cara, pati na kay Lara.

Mapapanood dito ang iba’t ibang arts sa Filipinas at kung ano rin ba ang art of falling in love.

Aminado ang aktor na ito ang pinaka-daring niyang movie.

Esplika ni Zanjoe, “Daring siya, daring, kasi nasa script siya at hinihingi ng istorya, so ganoon ang kailangan kong gawin.

“Wala naman yung utak ko roon sa, ‘Ay, shit! sexy, kita iyong puwet ko’ or ano, parang wala sa akin iyong ganoon. Kumbaga ay hindi na issue sa akin, basta kung ano ang kailangan, kung ano ang importante para makapagkuwento nang tama at mas maintindihan ng tao, iyon ang gagawin ko.

“Kumbaga para sa akin, love scene, nag-uusap… normal na eksena, para sa akin ay pare-parehas lang naman iyon,” wika pa niya. 

Pabirong sambit pa ni Zanjoe, “Kung napansin ninyo, nangayayat yung karakter ko rito na si Andrei sa bandang end ng movie, hindi ba?”

Ano ang masasabi niya sa karakter na ginampanan dito?

Esplika ni Zanjoe, “Ginawa ko ito, tinanggap ko iyong project dahil iyon nga, bilang isang aktor, bukod sa magandang location, isang magandang istorya, ah… medyo ligaw pa rin ako eh, hindi ko pa rin alam kung saan ba ako bilang isang artist.

“Hindi ba, parang hinahanap ko pa rin, hindi pa rin ako one hundred percent na sigurado kung artista ba talaga ako?

“Kaya noong tinanggap ko itong project, mas naintindihan ko siya, mas lumalim, mas lumawak ang pananaw ko sa lahat ng artist, hindi lang sa film, kundi sa ibang parte pa ng mga nangyayari sa mundo. Kaya grateful and thankful ako na marami akong natutunan sa project na ito.”

Ang pelikula ay kuwento ni Andrei (Zanjoe), isang documentarist na nagpunta sa Sagada para hanapin at ma-interview ang tatlong national artists para sa ginagawa niyang documentary.

Makikisalamuha siya sa mga lokal ng Sagada, at makakapalagayan ng loob ang iba. Dito niya makikilala si Lira (Kylie), isang best-selling author, na pamangkin pala ng isa sa mga artists na hinahanap ni Andrei.

Magiging malapit sila sa isa’t isa at unti-unting mahuhulog ang loob ni Andrei kay Lira na mas mababaling ang atensiyon sa dalaga kaysa sa documentary na ginagawa.

Isang Vivamax Original Movie, humanda nang umibig at masaktan, kayanin ang lahat para sa pag-ibig at ipangakong Ikaw Lang Ang Mahal, mapapanood na sa Vivamax simula May 20, 2022.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan.

The post Zanjoe explores his artistry via new Vivamax movie appeared first on PSR.ph.



Zanjoe explores his artistry via new Vivamax movie
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post