Cloe gets some acting tips from Jaclyn Jose

Sobrang saya ni Cloe Barreto nang nakasama niya sa pelikula ang idolong si Jaclyn Jose.

Ang Cannes Best Actress na si Ms. Jaclyn Jose at si Cloe ay gumaganap bilang mag-ina sa pelikulang Tahan, kaya naman ganoon ka-excited ang huli dahil nakatrabaho rin niya sa wakas ang kanyang idol.

Ani ng aktres, “Sobrang idol ko si Ms. Jaclyn sa acting, so noong unang eksena kinakabahan ako kasi parang na-starstruck ako kasi sobrang idol ko siya, as in.

“So, noong nag-usap kami ay tinuruan niya ako para hindi ako mahiya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang noo ko para makampante ako kasi nga kinakabahan talaga ako.

“Sobrang bait niya, so hindi na ako kinabahan doing scenes with her. May scene na sinampal niya ako at natuwa akong nasampal ako ng isang Jaclyn Jose, best actress sa Cannes filmfest.”

Nabanggit pa ng Vivamax sexy actress na pinayuhan siya ni Ms. Jaclyn kung paano mas magiging epektibo ang ginagawa niyang sex scenes.

Esplika ni Cloe, “She told me na sa bedscenes, umpisa pa lang, gawin mo na nang maayos kasi kung hindi, ipapaulit lang sa iyo. So I learned na dapat, ibigay mo na agad ang hinihingi ng director para take one lang lagi ang sex scenes.

“Ang dami niyang itinuro sa akin kaya thank you po talaga sa kanya, sana makatrabaho ko po siya uli sa next projects ko sa Viva,” aniya pa.

Sa pelikulang ito’y gumaganap si Cloe bilang si Elise, isang babaeng maraming sikreto sa buhay. Isa siyang high class escort para sa wealthy businessmen and politicians.

Si Elise ay kabit din ng isang mayamang negosyante at isang babaeng adik sa sex. Kung sino-sinong lalaki ang nakaka-wrestling niya sa kama, iyong iba ay binabayaran siya, yung iba ay trip niya lang maka-sex.

Masalimuot ang pinagdaanang buhay ni Elise, dahil mismong sarili niyang ina (Jaclyn), ang nagbugaw sa kanya mula nang siya ay 11 years old pa lang.

Sa Tahan ay balik-bida ang aktres na matatandaang nagpakita nang husay sa launching movie niyang Silab ni Direk Joel Lamangan.

Bukod kina Jaclyn at Cloe, tampok din sa tahan si JC Santos. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Bobby Bonifacio at sa panulat ni Quinn Carillo na isa rin sa members ng cast.

Ang executive producers ng Tahan ay sina Ms. Janilyn Carrillo at John Bryan Diamante.

Nagpapasalamat naman si Cloe sa magandang feedback sa kanilang pelikula na mapapanood na sa Vivamax sa July 22.

Lahad ng aktres na sobrang sexy ngayon, “Maraming salamat po sa magandang feedback sa movie namin at sa aking performance rito.

“Maraming-maraming salamat po sa naka-appreciate, talagang pinaghandaan ko po itong movie na Tahan, kasi po ay parang ito po ang comeback movie ko after Silab. And sobrang sexy po nito, as in, sobra, kaabang-abang po talaga!”

The post Cloe gets some acting tips from Jaclyn Jose appeared first on PSR.ph.



Cloe gets some acting tips from Jaclyn Jose
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post