Maria Laroco recalls joining ‘The Voice Kids’

Ang singing diva na si Maria Laroco ay lumaban sa British reality TV music competition na The X Factor UK Season 15 noong 2018, kung saan umabot siya sa Top 6 sa Girls Category.

Bago iyon ay nakasali si Maria sa team ni Lea Salonga sa The Voice Kids Philippines noong 2014; ka-batch niya sina Lyca Gairanod na siyang nagwagi at Darren Espanto at Juan Karlos Labajo.

“Dun po talaga ako nag-start po dito sa showbiz industry dito sa Philippines so it’s still important po and a big thing for me to be known here in the Philippines po.”

Ano ang nararamdaman niya kapag nakikita niya sina Lyca, Darren, at JK na may magagandang singing career sa ngayon?

“Siyempre I am very happy po for everyone’s success at siyempre magkakaiba naman po talaga kami ng journey.

“So I am happy po sa kung nasaan na rin po sila ngayon at siyempre, I am also hoping po that for myself, na sana ay makarating din po ako sa limelight na ‘yun and finally makuha ko na rin po ‘yung break ko na inaantay ko.”

Birong-totoo namin kay Maria, iba ang level niya sa tatlo dahil nakasali si Maria sa The X Factor UK at hinangaan ni Simon Cowell na isang icon sa mundo ng music industry.

Ngiti lamang ang isinagot sa amin ng dalaga. 

Sa ngayon, ang manager ni Maria ay si Rams David ng Artist Circle Talent Management Services; nitong Hunyo ay pumirma ng kontrata si Maria kay Rams.

Sa July 30 ay special guest si Maria sa Rachel Alejandro Live In Concert sa Winford Manila Resort & Casino Ballroom sa Consuelo St. Sta. Cruz, Manila sa likod ng SM San Lazaro.

Bukod kay Maria ay guest din ni Rachel si Lance “The Crooner” Carlos.

Ang concert ay sa direksyon ni Vergel Sto. Domingo at produced ng VCSD Productions.

Ang concert ticket prices ay 1,500 (VIP), 1,000 (Gold), at 700 (Silver).

Para sa ticket inquiry at reservation, maaaring tumawag sa 0927-2978027 or 0917-6250328.

The post Maria Laroco recalls joining ‘The Voice Kids’ appeared first on PSR.ph.



Maria Laroco recalls joining ‘The Voice Kids’
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post