I’m thankful I’m back—Kit Thompson

Thankful ang hunk actor na si Kit Thompson na muli siyang gagawa ng pelikula, after ng insidenteng nangyari sa kanila ng dating karelasyong aktres.

Sa muling pagsabak sa pag-arte, isa si Kit sa tampok sa pelikulang Showroom na pinagbibidahan din nina Quinn Carrillo at Rob Guinto. Ang pelikula ay sa ilalim ng produksiyon ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at ng Viva Films.

Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Carlo Obispo at sa panulat ni Quinn.

Ayon sa aktres/writer, ang pelikula ay ukol sa desire and desperation, kung hanggang saan ang kaya mong gawin para makamit ang mga gusto mo sa buhay. Tatalakayin ng pelikula ang ibang klase ng prostitusyon na nangyayari sa daigdig ng real estate.

Nagpapasalamat si Kit sa mga taong nagtitiwala pa rin sa kanya.

Pahayag ng aktor, “Siyempre ano, eh… thankful ako na may mga tao pa rin na you know… Tiningnan pa rin kung paano ako magtrabaho, na actually nakasama ako at kung paano ako.

“So, nakaka-touch, nakakatuwa… kasi akala ko… ang hirap kasi, eh… ang hirap lang kasi you know, I think everything is turning… everyhing is… Hindi ko ma-articulate sarili ko.

“Pero iyon nga, nandoon pa rin, na may mga tao pa ring naniniwala sa iyo. And it inspires me to be better and to do better for myself. So, thank you, thank you so much kay Tin, kay Direk (Carlo), kay Nay Len, kay Dennis (Evangelista), kay Quinn, to my management.”

Aminado rin ang tisoy na aktor na ipinagdasal niya na muling makabalik sa pag-arte.

Pagpapatuloy pa niya, “So iyon, I’m grateful and I’m thankful na I’m back!

“Actually ipinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. I was, napapa-isip ako and nagdasal lang ako and sabi ko, ‘Just give me something, just something’. And eto, dumating, so, I thank the Lord na hindi ako pinabayaan. And… iyon, thank you.”

Sa ‘Showroom’, ginagampanan ni Kit ang papel ni Dan, ang best friend at confidant ni Liezl, ang ambisyosang broker na ginagampanan naman ni Quinn.

Ang iba pang bumubuo ng cast ng Showroom ay sina Emilio Garcia, Mon Mendoza, Mark Dionisio, AJ Oteyza, Paolo Rivero, Massimo Scofield, Itan Rosales, Nico Loco, Calvin Reyes, Richard Solano, Aaron Conception, Elmo Elarmo, at iba pa.

The post I’m thankful I’m back—Kit Thompson appeared first on PSR.ph.



I’m thankful I’m back—Kit Thompson
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post