Rhian Ramos returns to ‘Magpakailanman’

Magbubukas na ang fifth season ng weekend anthology series na Regal Studio Presents na nagdiriwang din ng first anniversary nito ngayong September.

Tatlong bagong kuwento ang mapapanood sa month-long anniversary special nito. Una na riyan ang “Love Your Beat” na pagbibidahan nina Lianne Valentin at Carlo San Juan.

Gaganap dito si Lianne bilang Det, isang heartbroken na singer. Si Carlo naman ay si Ian, ang gitaristang magiging kapalit ng ex-boyfriend ni Det sa banda nila.

Masaya raw si Lianne dahil maipapakita niya sa episode ang isa sa mga talento niya–ang pagkanta.

“I love to sing. Hindi lang ako masyadong ma-post sa social media accounts ko ng pagkanta ko. Noong nalaman ko na may kanta itong episode, sobrang thrilled ako. Sana masundan pa ng mga ganito na may singing,” pahayag ni Lianne.

Ganito rin daw ang naramdaman ni Carlo nang tanggapin niya ang proyekto.

“Napaka ganda po ng role na binigay sa akin. Tulad po ng role ko sa ‘Daddy’s Gurl, saka ‘yung mga natatangap ko pong ibang role na kwela, kilig–ito po, bad boy po ako dito, medyo bad boy. Dito po sa episode namin ni Lianne, masho-showcase ko din po ‘yung talent ko in singing and also pagpe-play ng guitar,” bahagi niya.

Masaya rin daw si Lianne na malayo sa kanyang karakter na si Stella ang karakter niyang si Det sa “Love Your Beat.”

“Noong nag-taping kami for ‘Regal Studio Presents,’ medyo naninibago ako kasi mayado akong nasanay sa production ng ‘Apoy Sa Langit,’ ‘yung mga co-stars ko doon and siyempre ‘yung role ko. Ilang months din nag lock in ‘yun so ‘yung role ni Stella masyadong kasado sa utak ko. Itong ‘Regal Studio Presents,’ opposite, as in sobrang iba talaga pero excited ako. ‘Yung taping namin dito, very smooth lang and naramdaman ko ‘yung pagka-enjoy ko din na maka-discover or makatrabaho ‘yung mga bagong tao,” paggunita ng aktres.

Looking forward naman si Carlo na maipamalas ang magandang chemistry nila ni Lianne sa episode.

“Excited na rin po akong mapanood ito kasi sa set pa lang po, sinasabi na din po sa amin na ang ganda po ng chemistry namin ni Lianne. Nafi-feel ko din po ‘yun sa set kaya very excited po ako ngayong sa story po naming dalawa,” lahad ni Carlo.

Abangan ang “Love Your Beat,” ang brand new episode, season five opener at unang offering sa anniversary specials ng Regal Studio Presents, September 11, 4:35 p.m. sa GMA.

*****

Mapapanood ngayong Sabado, September 10, ang part 2 ng espesyal at bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang “A Mother’s Triumph: The Pia Pascual Hugo Story Part 2.”

Ito ay pagbibidahan ni Rhian Ramos bilang si Pia, sa direksyon ni Adolf Alix Jr. 

Sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Karen Lustica, makakasama ni Rhian sa naturang episode sina Ian Ignacio bilang Santi, Bing Pimentel bilang Henrietta, Al Tantay bilang Raul, Thia Thomalla bilang Anna, Kirst Viray bilang Tony, Orlando Sol bilang Peter, Melissa Avelino bilang Yollie, at Jacob Tountas bilang Philip.

Sa maselang kuwento na ito, limang taong gulang pa lamang si Pia ay ilang ulit na siyang pinagsasamantalahan ng kanilang family driver.

Nguni’t dahil sa takot ay wala siyang sinumang pinagsabihan ng impiyernong kanyang dinaranas. Ibinuhos niya ang kanyang panahon sa pag-aaral subalit naulit ang kanyang bangungot dahil ang bayaw naman niya ang nagsamantala sa kanya.

Nang malaman ng kanyang pamilya ang nangyari, lumipad sila patungong Amerika upang magsimula ng bagong buhay.

Doon ay nakilala at nagpakasal si Pia kay Santi. Pero mababago na nga ba ang kanyang buhay?

Abangan ngayong Sabado, 8:15 pm sa GMA.

The post Rhian Ramos returns to ‘Magpakailanman’ appeared first on PSR.ph.



Rhian Ramos returns to ‘Magpakailanman’
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post