GMA star Bea Alonzo reacts to bashers: Sometimes, nasasaktan ako

Lahat naman yata ng artista ay mayroong bashers, lalo pa nga kung kasingsikat ni Bea Alonzo.

Kaya natanong si Bea sa recent solo presscon niya kung ano ang nararamdaman niya kapag naba-bash siya?

“Siyempre, hindi ako magiging ipokrita, sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, eh.”

“Kasi, ‘di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao rin ako. Tao ‘yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan.

“But I’ve learned to take only the criticism that will help me. 

“Those who care for you can criticize you in a loving way. So okay lang yun. But those who bash out of hate, I don’t care for that kind of negative energy,” pahayag ni Bea sa presscon niya for Start-Up PH at birthday presscon na rin niya dahil kaarawan ng aktres sa October 17.

Pinipili lang daw niya ang mga kritisismo sa kanya.

‘Yung alam niyang makakatulong daw sa kanya, lalo na kung galing ito sa mga taong alam niyang mahal siya kagaya ng mga tagahanga niya ang importante kay Bea. Anuman ang pamba-bash sa kanya, mas mag-focus daw s’ya sa positivity.

Bukod dito ay masaya si Bea dahil bukod sa Start-Up PH, successful ang US tour nila ng iba pang mga Kapuso stars na sina Dingdong Dantes, Ai Ai delas Alas, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, at Lani Misalucha.

Tunay na sunud-sunod ang blessings at magagandang bagay na dumarating kay Bea kaya deadma siya sa mga negativity sa buhay.

Ang Start-Up PH na kauna-unahang teleserye niya sa GMA Network ay puro magaganda ang feedback at reviews at pumapalo pa ito sa rating games at nagte-trending nang bongga.

Co-stars ni Bea sa Start-Up PH sina Alden Richards, Jeric Gonzales, at Yasmien Kurdi.

Maraming-marami pang kaabang-abang sa kanilang show.

Sa birthday ni Bea, ang balak daw niya ay matulog at magpahinga.

The post GMA star Bea Alonzo reacts to bashers: Sometimes, nasasaktan ako appeared first on PSR.ph.



GMA star Bea Alonzo reacts to bashers: Sometimes, nasasaktan ako
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post