Korina, Karen squash “feud” rumors

Sa isang bihirang pagkakataon, magsasama sa iisang TV screen ang dalawa sa pinakamatagumpay na kababaihan sa media industry.

Ang multi-awarded broadcast journalist na si Karen Davila ang susunod na panauhin ni Korina Sanchez sa kanyang pinakabagong palabas, ang Korina Interviews. Ang dalawa ay kabilang sa mga pinagkakatiwalaang tagapaghatid- balita sa bansa. Nakilala ang dalawa dahil sa kanilang dedikasyon, pagsusumikap at malawak na karanasan sa paghahatid ng serbisyo publiko

Sa teaser ng Korina Interviews, makikita ang masayang kwentuhan ng dalawa. Pero hindi pa rin nagpahuli ang dalawa sa kanilang ‘straight forward’ na mga pahayag at tanong. Sinabi pa ni Karen na takot siya kay Korina noon samantalang tinanong naman ni Korina si Karen, “Bakit sa palagay mo, pinag- aaway tayo?”

Alamin ang sagot ni Karen ngayong Linggo, October 30, alas singko ng hapon sa NET25.

The post Korina, Karen squash “feud” rumors appeared first on PSR.ph.



Korina, Karen squash “feud” rumors
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post