Jenny Miller finds second family, thanks Dr. Emily Otani

Sa ginanap na engrandeng birthday celebration ni Jenny Miller kamakailan, nakapanayam namin siya at dito’y nabanggit ng aktres ang ginawa niya noong kasagsagan ng pandemic.

Esplika ng aktres, “Wala kaming work, walang taping during the pandemic. So ako, nag-focus sa livestream na nag-eenjoy ako to entertain viewers. Lalo na ‘yung mga OFWs na mga nasa ibang bansa nating kababayaan, na natutuwa ako na nag-eenjoy din sila sa company ko sa livestream.

“So, naging close ako sa kanila, then nagtawagan na hanggang sa nagtuluy-tuloy lang, na hindi na nila ako pinabayaan ’til now. So ‘yun, sobrang grateful ako, sobrang blessed ako.”

Ang tinutukoy ng aktres ay si Dr. Emily Otani na isang successful Filipino businesswoman na naka-base sa Chicago, USA, na siyang nasa likod ng most memorable birthday ni Jenny. Sina Dr. Emily at anak na si Gigi Uy Otani ay itinuturing ng aktres na pangalawa niyang pamilya.

Nagkakilala sila sa live stream, naka-live si Dr. Otani dahil kay Sherilyn Reyes Tan na cousin niya. “Since then, consistent, lagi silang nasa live ko, nagtatawagan na kami, naging deep na iyong relationships namin at tinanggap na nila ako, Sabi niya, ‘Ikaw na ang eldest ko.’ kaya ang tawag niya sa akin, si Eldest, kasi si Gigi ang bunso namin,” masayang kuwento pa ni Jenny.

Aminado ang aktres na sa kasagsagan ng pandemic ay sobra siyang na-depress. “Nagkaroon ako ng depession, ang ginawa ko, umuwi ako ng probinsiya, nagpa-ampon ako sa nanay at tatay ko para libre iyong kain. Sobra, depressed na depressed ako noon, wala e, shutdown ang ABS CBN, kaya ano ang gagawin namin?”

Nabanggt ni Jenny na tuloy pa rin ang pagla-livestream niya, “Untill now, kasi nandyan ‘yung mga supporter na hindi bumibitaw sa akin and sayang iyong income, hindi ba?”

Dito ay nagbibigay siya ng love advice, pero wala siyang love life? Paano niya iyon ginagawa? “From my experience, kasi sobrang… lahat ay pinagdaanan ko na, ma-inlove, masaktan…”

Bakit wala siyang love life, by choice ba? 

“Siguro, masaya na lang muna ako sa buhay ko ngayon. Hindi ko siya priority although ang daming guy, but hindi ko siya priority, and nasaktan na ako eh, parang ang hirap na magtiwala ulit. So, kung may pagbibigyan man ako, whoever.

“Ang pinakamsakit na naranasan ko, betrayal, of course betrayal with my ex (husband), Na hindi mo akalain na…Hindi ako pumili ng showbiz dahil akala ko ay mas maayos na buhay, mas tahimik, pero hindi rin pala.”

Ipinagpalit siya sa iba? “Maraming nangyari, maraming nangyari na roon na napunta. Na parang hindi ko na kinaya, na parang three years na umaasa akong magbabago, umaasa akong magiging maayos pa rin, two years lang na naging smooth ang relationship namin.”

May nanliligaw ba sa kanyang artista?

“Marami namang nagpaparamdam… Clue? Wala, wala, hahaha! Ayaw ko, kasi nga ay hindi ko sila ine-entertain, ako hanggang friendship lang…”

Ano ang kanyang birthday wish? “Wish ko, good health, kasi hindi na ako bata. Kasi siyempre may mga nararamdaman na rin tayo, hindi ko nga alam na makakasayaw pa pala ako ng ganoon. Parang after a decade hindi ako nagpe-perform, kaya nang idinare nila ako, ‘Sige nga, sumayaw ka.’ Sabi ko, ‘Sige nga, kaya ko pa ba?'”

Pagpapatuloy ni Jenny, “Oo, na-challenge ako, ‘Sige nga, sayaw nga ako,’ and thank God, maayos ko naman siyang na-perform.

“Number-one iyon, good health, and sana ay nandiyan pa rin ang mga taong nagmamahal sa akin, hindi sila magsawa na tuluy-tuloy lang nila akong mahalin, dahil mahal na mahal ko sila, alam ni Lord iyon.

“Hoping pa rin ako, kapag nagpe-pray ako kay Lord, hoping pa rin ako na ma-bless na magkaroon nang maayos na pamilya at career, sana ay tuluy-tuloy, more projects sana. Sana ay simula ito nang marami pang blessings na marami pang dumating sa buhay ko,” wika pa ng aktres na napanood sa katatapos na TV series na The Fake Life ng GMA 7 at 2 Good 2 Be True ng ABS CBN.

The post Jenny Miller finds second family, thanks Dr. Emily Otani appeared first on PSR.ph.



Jenny Miller finds second family, thanks Dr. Emily Otani
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post