IBINAHAGI ni EA Guzman na matagal na niyang gustong maging part ng Beautéderm. Isa siya sa new endorsers ng Beautéderm na mula sa Sparkle GMA Artist Center.
Kabilang dito sina Cassy Legaspi, Bianca Umali, Ruru Madrid, Rayver Cruz, at Sanya Lopez na nag-renew ng kontrata. Sina Patricia Tumulak, Buboy Villar, Thia Thomalla, Ysabel Ortega at EA naman ay bagong endorsers ng Beautéderm.
Nagpasalamat ang aktor sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng Beautéderm.
Pahayag ni EA, “I would like to take this opportunity para magpasalamat kay Mommy Rei at sa Beautéderm sa pag-welcome sa akin sa Beautéderm family. Nakakataba po ng puso ang tiwala na ibinigay nyo sa akin.
“I-share ko lang nang maikli, matagal ko na pong gustong maging part ng Beautéderm. Mayroon pong mga endorsers si Mommy before na nakatrabaho ko and sinasabi ko sa kanila na, ‘Uy, okay iyan, ang saya ng family nyo, family talaga kayo’. So, sabi naman nila, ‘Sige, ano natin… mag-send tayo ng picture, mag-Hi ka kay mommy.’
“So, roon na kami nag-message kay Mommy and kapag birthday ni Mommy o may special occasion sa family niya, naggi-greet ako sa kanya. So iyon, para sa akin it’s a sign na nasa tama akong pamilya at mayroon akong nakilalang bagong mommy. So, I’m proud to say na isa na akong Beautéderm baby, maraming-maraming salamat po.
Nabanggit din ng aktor ang kanyang fave Beautéderm products.
Aniya, “Ako, as a new Beautéderm baby, siyempre pinadala sa bahay yung mga Beautéderm products, pina-try ni Mommy Rei. Ako yung talagang nagustuhan ko yung Blanc set, may ka-tandem iyan para sa akin, ito yung Blanc cleansing pads.
“Bakit ko nasabing tandem? Kasi halimbawang galing ako ng taping, ito muna ang pambura ko ng make up. After that ay magfa-facial wash ako, yung may pang scrub, ang sarap niyon. Kapag ginamit ninyo, ang sarap, parang lagi kang fresh.
“Kapag na-scrub mo sa face mo, sobrang linis na ng face mo and after that ay gagamitin ko na yung Blanc set. Iyong Blanc set, may peeling siya, pero okay lang, kasi yung result naman after ay maganda.
“Pagkatapos kong maligo ay nagba-body lotion ako, kaya kapag hinawakan mo ang skin ko, madudulas ka,” pabirong sambit pa niya.
Pagpapatuloy pa ni EA, “Ginagamit ko ito (lotion), kasi gusto ko ay lagi akong mabango, gusto ko yung feeling ko ay lagi akong malinis. Ako lagi akong maarte sa katawan ko talaga, gusto ko lagi akong naglo-lotion, so, since naging Beautéderm endorser ako, eto na ang ginagamit ko ngayon.”
Nabanggit din ni EA na dapat pa ring maging maingat sa Covid, kaya lagi rin siyang gumagamit ng Caress Sanitizer Spray, lalo na kapag nasa labas o nasa work.
Sa part naman ng CEO at founder ng Beautéderm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, kinilala niya ang kontribusyon ng Sparkle sa kanyang kompanya.
“I value my partnership with Sparkle GMA Artist Center. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists—Ruru, Rayver, Cassy, Bianca, Sanya—who put us on the map. They represent the brand well through their efforts, talents, and beauty inside and out,” wika ni Ms. Rhea.
“Beautéderm is beyond grateful and beyond beautiful. We believe that these stars—Patricia, Buboy, Thia, Ysabel, and EA are perfect example for what beyond beautiful means. We are dedicated to reaching more people all over the world, making sure they have quality products to rely on—from beauty to wellness products. And by expanding more, we are able to help more people—from elderly people to our scholars,” pagbabahagi pa ng lady boss ng Beautéderm.
Sa paglago ng negosyo ni Ms. Rhea, na nakatayo sa Angeles City, Pampanga ang headquarter, mas maraming taong matutulungan. Para sa Beautéderm CEO, patuloy siyang magbibigay-tulong—free scholarships para sa mga mag-aaral at quality assistance para sa mga matatanda.
“For me, beauty goes beyond the face. It is reflected in one’s soul. The intention of Beautéderm is not just to make people beautiful and glowing, but to extend hands to those in need—through the support and success of our resellers, distributors, and franchisees.
“What you do to the communities make you beautiful. Recently, some of our scholars graduated with honors and that makes me extremely happy—that is the real measure of success—the number of hearts and lives you’ve touched,” pagtatapos ni Ms. Rhea.
The post EA Guzman all praises for generous Rhea Tan appeared first on PSR.ph.
EA Guzman all praises for generous Rhea Tan
Source: Happy Pinas News