Nilinaw ni Wilbert Tolentino kung bakit no-show sa opening ng Japanese resto niyang Tokyo Grill sina Zeinab Harake at Herlene Budol na kilala rin bilang Hipon Girl.
Ipinaliwag ng internet personality, YouTuber, talent manager, businessman, at philanthropist ang dahilan kung bakit wala ang dalawa sa nasabing okasyon.
Esplika ni Wilbert, “Okay na kami ni Zeinab, nagkausap na rin kami. In fact, inimbita ko si Zeinab sa opening ng Tokyo Grill and nag-reply naman siya, may prior commitment lang kaya hindi nakadaan.
“But she promised me na dadaan siya sa Tokyo Grill sa kanyang free time,” paikli pa ni Wilbert.
Ayon pa kay Wilbert, after nagkaroon ng issue with Zeinab, nag-usap daw sila ng heart to heart at nag-sorry daw si Zeinab.
“Siyempre sabihin man natin na nagkaroon kami ng malalim na gap, hino-honor ko siya as one of my mentors sa vlog industry.”
Nabanggit din ni Wilbert na posible raw na sa Tokyo Grill gawin kapag nag-collab ulit sila ni Zeinab.
Hinggil naman kay Herlene, “Nag-vlog din si Herlene sa Tokyo Grill. Nagkaroon lang ng prior commitment kaya hindi talaga siya nakapunta sa official opening ng resto.”
Anyway, successful ang ginanap na opening ng Tokyo Grill recently. Business partners ni Wilbert dito sina Marvin Ramos, Michelle Dizon, Melanie Cabalida, at ang kanilang resident chef, na si Sam. Si Chef Sam, ay isang experienced chef sa Japan, a veteran culinary artist, trained in the Land of the Rising Sun for five years.
Ipinagmalaki ni Wilbert ang kanilang Tokyo Grill.
Aniya, “Every now and then, I always invite my friends and families to eat with me in a resto. We always roam around the metro, enjoy the food in the middle of our non-stop conversation, and end our day with a full stomach.
“With our very own Tokyo Grill, I can guarantee each and everyone that this will be a place where we can really hang-out with our friends and families with a super-cool ambience, a classy dining experience, Japanese food that you can die for at a very reasonable price and a safe heaven for a food-lover like me.”
Ang Tokyo Grill ay located sa #62 T. Morato, QC. Ito ay isang unlimited Japanese resto na swak sa mahihilig sa samgyup at Eat All You Can (EAYC).
Present sa opening ang ilang celebrities gaya nina Sanya Lopez, Jay Manalo, Deejay Durano, Lance Raymundo, at ang talent ni Wilbert na si Madam Inutz.
Bukod sa ambience, masarap, at affordable na food, isa sa mga attractions sa Tokyo Grill ang nakatutuwang robot waiter na nagse-serve sa guests, ito si Toma Dachi. May sensor siya, kaya kapag mababangga ay kusang hihinto ang naturang robot na ‘waiter.’
The post Wilbert Tolentino opens Japanese restaurant in QC appeared first on PSR.ph.
Wilbert Tolentino opens Japanese restaurant in QC
Source: Happy Pinas News