Voltes V: Legacy stars recall how they got their roles

Sa guesting kamakailan ni Nadine Lustre sa YouTube vlog ni Bea Alonzo, sinabi ng una sa huli, na takot siyang mabuntis at magkaanak.

Sabi ni Nadine, “First of all, takot akong manganak. ‘Yun talaga ‘yung pinaka-reason ko kung bakit ayaw ko magkaroon ng kids na sarili. Takot ako mabuntis, takot ako manganak,” pag-amin ng dalaga.

Tulad din ng nasabi niya noon sa isang panayam, pwede naman daw siyang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng ibang paraan.

Naiisip din niyang mag-ampon at mag-alaga ng mga sanggol o mga batang inabandona at wala nang magulang.

“Ang dami kasing kids na walang parents. So, right now, parang my mind is set on adopting,” aniya pa.

***

Sina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho, at Ysabel Ortega ang mga bida sa Voltes V: Legacy. Showing na ito sa SM Cinema branches.  At mapapanood naman ito sa GMA 7 simula sa Mayo 8. Mula ito sa direksyon ni Mark Reyes.

Sa Voltes V Legacy, ay gumaganap si Miguel bilang si Steve Armstrong, at kapatid niya sina Raphael bilang  si Little Jon, at Matt bilang si Big Bert.

Si Ysabel naman ay gumaganap bilang si Jamie Robinson, while si Radson ay sa papel na Mark Gordon.

Sa tanong sa lima kung nag-auditon ba sila sa kanila-kanilang role, ang sabi ni Matt, “Yes! I auditioned for the role of Big Bert.  Una, sobrang natakot ako nu’n e, kasi si Direk Mark agad ‘yung nakaharap sa akin. So medyo kinabahan. Pero prepared naman ako. Nag-training naman ako before mag-audition.”

Sabi naman ni Ysabel, “Actually po, wala po sa plano ko na mag-audition. I saw the project during the New Year countdown. I saw the very first trailer po. Of course, it got my attention. Pero never kong naisip na possible, na magiging parte ako ng project na ito. Until one day, it just so happended, destiny, nasa GMA ako, one of the last days ng audition, and sinubukan ko lang po. I never expected na sobrang magbabago po ‘yung buhay ko because of the show. And sobrang hindi ko nire-regret the day na, nag-auditon po ako.”

“Yes, I auditioned din po. Ang dami po talagang nag-auditon for Mark and Steve role. I didn’t expect that I would get a call back. Nagulat na lang po ako when I was called for a second screening. Kasama ko na po ru’n si Miguel, at si Ysabel din po. Sobrang happy po and proud po talaga for that moment,” ayon naman kay Radson.

Sabi ni Raphael na natatawa,” Aaminin ko po, hindi po ako nag-audition. Kaya sobrang thankful po ako sa GMA 7 network, at sa mga boss po namin, kasi po nagtiwala po sila na sa akin ibigay ang role na Little Jon.”

“Ako hindi ko po ini-expect na ako ‘yung mapipili bilang si Steve Armstrong. Kasi, way back, alam ko nang may gagawing Voltes V, and may naririnig na rin ako, sinasabi sa akin na, ‘eto yung gaganap.’ So ako parang..okey sige, pass na muna tayo sa role ‘to. Pero at the back of my head, ang sarap maging Steve Armstrong, huh! Parang isa ‘yun sa magiging pangarap kong role. And then biglang ibinalita sa akin na ako na raw ‘yung Steve,” sabi naman ni Miguel.

The post Voltes V: Legacy stars recall how they got their roles appeared first on PSR.ph.



Voltes V: Legacy stars recall how they got their roles
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post