Alden, Jasmine on break

Ang The World Between Us ay isang romantic/drama teleserye na masasabing ngayon nga lamang nagawa ni Alden Richards sa buong showbiz career niya.

At ikinatutuwa ni Alden na dahil romantic/drama nga ang show nila, hindi sila nabigo ni Jasmine Curtis-Smith na magbigay ng kilig sa viewers.

“Hindi po kasi ako talaga nahirapan kay Jasmine,” pahayag ni Alden.

“That’s the beauty about working with her. We’re on the same page po pagdating sa pag-arte and I see how professional she is.

“So, mas nadadalian po akong mag-trabaho, kasi si Jasmine knows her craft.

“I consider that as an advantage kasi po, kami po ang loveteam dito and nakakatuwa po, kasi we’re very comfortable working with each other. Lumalabas po siya sa mga eksenang ginagawa namin and even more.

“Minsan, si direk Dom nagugulat kasi may lumalabas na more than what’s written. Nae-exceed po namin ang expectation ng script kaya nagiging maganda pa ang eksena.”

Bukod kina Alden (bilang si Louie) at Jasmine (bilang Lia) ay bida rin sa The World Between Us sina Tom Rodriguez (bilang Brian), Jaclyn Jose (bilang Yachie), Kelly Day (Audrey), Sid Lucero (Eric) at si Ms. Dina Bonnevie (bilang Rachel), sa direksyon ni Dominic Zapata.

Ano ang kaibahan kung magmahal sina Alden (sa tunay na buhay) at Louie ( sa TWBU)?

“Hindi sapat yung love lang sa relationship.

“Minsan against all odds pag nagmahal tayo. In reality, it’s not like that.

“Hindi puwedeng pagmamahal lang sa dalawang magkapareha, dapat maraming factors iyan, e.

“Sabi nila, love is complicated. Love is ganito, love is ganyan. Minsan kasi, yung mga cliché na kasabihan, hindi natin sila puwedeng i-incorporate sa totoong buhay, kasi iba po ang reyalidad.”

“So yun ang dadalhin ko.

“Sa pagmamahal, hindi puwedeng kayong dalawa lang ang involved. Oo, kayo ang nagmamahalan pero siyempre, kailangang i-consider mo rin ang sitwasyon at mga taong nasa paligid niyo.

“Kasi hindi kayo magpu-prosper or hindi kayo magiging masaya kung at the end ot the day, meron at merong kokontra sa inyong dalawa.”

Season break ng The World Between Us simula August 27 at magbabalik ito sa ere sa November 15.

The post Alden, Jasmine on break appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post