Jasmine embraces her “tita” mode

Dahil dalawang buwan ang season break ng The World Between Us, magpapaka-“Tita” muna si Jasmine Curtis-Smith.

“Actually, pag naka-break po ako and walang trabaho, ang kinakabisihan ko is really my niece, I spend a lot of time babysitting para sa Ate ko.”

Ang tinutukoy ni Jasmine ay ang anak ng ate niyang si Anne Curtis at mister ni Anne na si Erwann Heussaff, si Dahlia Amelie na one year and five months old ngayon.

“So actually dun ako galing kaninang umaga tapos umuwi lang ako para magtanghalian tsaka mag-prepare this afternoon’s interviews, so pag walang work I make the most out of spending time with her and my sister.”

Nakausap namin si Jasmine sa Zoom mediacon nitong Lunes, August 23 para sa season break ng The World Between Us.

Pagpapatuloy pa ni Jasmine.

“Kasi ano rin po e, nung ECQ I was alone, so hindi ko rin mabisita yung dad ko na senior na, so ang dami pong times na parang gustuhin mo man, wala e.

“Tulad ng sabi ni Tom, pagdating sa wedding celebration nila, gustuhin man niya, parang mag-aalangan ka pa rin, not because of end of the restrictions pero pati na rin mismo yung health nila, yung kasiguraduhan na hindi sila ma-e-expose to anyone along the way.

“So yun, I make the most out of time with family or exercise, taking care of myself, kasi yun na lang talaga ang puwede nating gawin honestly, and wala namang puwedeng tambayan sa labas, bawal din tumambay sa labas so huwag kayong lalabas.”

Ang tinutukoy ni Jasmine ay ang kasal nina Tom Rodriguez at Carla Abellana sa October 23 sa Tagaytay; dahil sa pandemya, walang kasiguruhan kung makakauwi sa Pilipinas ang pamilya ni Tom mula sa Amerika para makadalo sa kasal.

Going back to Jasmine, parang mahilig siya sa bata, hindi ba siya naiinggit sa ate Anne niya na meron na ngang baby?

“Puwede pong kapag nag-thirty na ako balikan natin yung question? Ha! ha! ha! Steady pa po ako sa ngayon, si Lia muna ako sa ngayon and then isipin ko si Jasmine pag mga December na.”

Gumaganap si Jasmine bilang si Lia sa The World Between Us na hanggang Biyernes, August 27 lang muna mapapanood at magbabalik sa GMA sa November 15.

Bukod kay Jasmine at Tom (bilang si Brian) ay nasa The World Between Us sina Alden Richards bilang si Louie, Dina Bonnevie bilang si Rachel, Kelley Day bilang Audrey, Sid Lucero bilang Eric at Jaclyn Jose bilang Yachie.

Ito ay sa direksyon ni Dominic Zapata.

The post Jasmine embraces her “tita” mode appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post