Andrea del Rosario entering politics again?

Isa si Andrea del Rosario sa maraming showbiz personalities na nag-cross over sa politika. Naging Vice Mayor siya ng Calatagan, Batangas noong 2016.

Next year ay election na naman, may plano ba siyang muling sumabak sa politika?

Esplika ng aktres, “None, as of the moment.”

Nagsawa na ba siya sa politika? “Hindi sa nagsawa, unfortunately it was Bea (her daughter) who got affected during those times,” matipid na tugon ni Ms. Andrea.

Nabanggit din niya na sa ngayon ang priority niya ay ang kanyang family, over showbiz. 

Aniya, “Yes, especially that I am not young anymore.”

Sa panahon nang muling pagkakaroon ng lockdown, nalaman namin kay Ms. Andrea na everyday ay naglalakad or nagba-bike siya sa loob ng kanilang village, para mapanatiling healthy siya.

Napag-usapan din namin ang kanilang pelikulang Pugon na bahagi ng Indie Nation exhibition section ng 17th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Bukod kay Andrea, tampok dito sina Soliman Cruz, Jhassy Busran, Cassie Kim, Bamboo B., Sheena Lee Palad, Edmond Santiago, at Carmen Del Rosario.

Mula RemsFilm, nagsimula na itong mapanood at magpapatuloy hanggang September 5, 2021, via streaming sa KTX.ph.

Masaya ang former Viva Hot Babe sa oportunidad na muling maging bahagi ng Cinemalaya.

“Siyempre masaya, kasi quality movie ang nagawa namin, para maisali sa Cinemalaya,” nakangiting pakli ni Ms. Andrea.

Aniya pa, “Ang role ko sa Pugon ay si Nympha, na nagtatrabaho sa bakeshop ni Mang Rey (Soliman) na isa pala sa biktima ng child labor na tumanda na roon.

“Tinatalakay dito, siguro isa sa social issues ngayon sa ating bansa-which is the modern day slavery/child labor.

“This is directed by Direk Gabby Ramos, starring Soliman Cruz and Jhassy. Ang istorya nito… si Jhassy na ang character ay si Sonya ay isinanla ng parents niya sa amin bilang pambayad sa kanilang pagkakautang.

“Nagwo-work ako sa bread factory owned by Soliman Cruz… doon umiikot ang story and eventually I will hep them na maka-alis sa kanilang sitwasyon.”

Nagkaroon na rati ng entry sa Cinemalaya ang aktres. Ito ang Rome and Juliet, na tinampukan noong 2006 nina Ms. Andrea at Mylene Dizon.

Bukod sa pelikulang Pugon, si Ms. Andrea ay papasok na rin very soon sa Kapamilya seryeng Huwag Kang Mangamba na tinatampukan nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri, Seth Fedelin, Eula Valdez, Sylvia Sanchez, at iba pa.  

The post Andrea del Rosario entering politics again? appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post