Viral online seller Madam Inutz meets with Wilbert Tolentino, signs contract

Pumirma si Madam Inutz (Daisy Lopez) ng kontrata sa Former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media infuencer at  philanthropist na si Wilbert Tolentino nu’ng Huwebes ng gabi. Dalawang taon siyang ima-manage.

Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa contract signing ay kasama nila si Atty. Bertini Causing.

Wala siyang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz pero magi-endorse siya ng kanyang mga negosyo. Ang dating ginawa niya noon na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay s’ya ring gagawin niya kay Madam Inutz.

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single si Madam inutz entitled Inutil composed by Ryan Sotto. Bubuo sila ng album ng nasabing viral online seller.

Gagawin din siya ni Sir Wil na ambassador ng mga online seller. Tutulungan nila ang mga  gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.

Tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email at mag-message sa dlinutil@yahoo.com. Look for Wilbert Tolentino.

The post Viral online seller Madam Inutz meets with Wilbert Tolentino, signs contract appeared first on PSR.ph.


Post a Comment

Previous Post Next Post