Ali-Pat-P tandem gets consistent viewers

Sina Ms. Ali Sotto at Pat-P Daza ang bagong tandem sa NET 25 na nag-start noong Monday, October 18, at 8 a.m. via the new radio-TV show ANO SA PALAGAY N’YO?

Ito ang bagong morning experience na dapat abangan dahil kumpara sa ibang morning shows na hard-hitting ang dating, gagawin nina Ali at Pat-P na maghatid ng softer point of view sa mga issues of the day.

Ito ang comeback ni Ali sa broadcasting after niya magpahinga for some time. Comeback din ito ni Pat who used to have a radio show sa ABS-CBN DZMM titled Pasada 630.

“I have been away for a year. Na-miss ko talaga ang TV-radio,” wika ni Pat-P. “This is my first time to work with Ali and looking forward to the new tandem.”

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.

“Maiparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin pwedeng palampasin. We have to know what’s happening para at least meron tayong kaalaman kung paano natin pwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad Pat-P.

Magiging “very light at naiintindihan ng lahat ng tao” ang talakayan ika nga nina Ali at Pat-P.

Ang komentaryo sa umaga na nakasanayan nating dinodomina ng mga lalakeng broadcasters ay tatapatan ngayon ng dalawang strong at pretty nanays na may ‘say’ pagdating sa mga usaping importanteng makarating sa sambayanan.

Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 8:00-10:00 ng umaga, sa NET25 TV, Youtube channel at Facebook page; Radyo Agila 1062 Khz at Eagle FM 95.5.

Makibahagi sa talakayan! Mapa-tungkol sa pulitika man yan, presyo ng bilihin, daloy ng trapiko o pagtugon sa pandemya, importanteng marinig ang boses ng sambayanan.

Magkomento sa NET25 Official Facebook page, Youtube channel at Twitter account at mag-subscribe sa NET25 Telegram channel para sa updates.

The post Ali-Pat-P tandem gets consistent viewers appeared first on PSR.ph.



Ali-Pat-P tandem gets consistent viewers
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post