Smart prefers international endorsers over local stars?

Tumatagingting na 9 million US dollars daw pala o mahigit na 430 million pesos ang talent fee ng K-Pop boy band superstar na BTS na sobrang sikat globally para sa isang telecom company dito sa Pilipinas!

At since pito silang miyembro sa grupo, lumalabas na tig almost $1.3M ang bawat isa sa kanila! Habang ang isa pa nilang international celebrity brand ambassador na si Papa Chris Evans na kilala rin bilang si Captain America sa pelikula ay may TF na nagkakahalaga raw na $1M!

Baka mas mababa naman slight ang ibinayad sa tatlong Thai stars na sina Nonkul Chanon, Gulf Kanawut, and Mario Maurer as the newest endorsers kasama sina Sue Ramirez at Sarah Geronimo para sa low-end prepaid brand na hindi ko na natanong sa panibagong reliable source ko, dahil hindi ko matandaan ang pangalan ng dalawa except for Mario.

Pang-global daw kasi atake ng naturang telecom company na pagkarami-raming datung, kaya most of their endorsers are international stars, ha! Kunsabagay, para sa mga mag-a-abroad for vacay na subscribers na naka-postpaid plan, puwede nilang ipa-roaming ang kanilang mga linya ng cellphone. Ewan lang sa mga naka-prepaid lang, ha.

The post Smart prefers international endorsers over local stars? appeared first on PSR.ph.



Smart prefers international endorsers over local stars?
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post