Controversial young sexy-actress supports new skincare line

Kontrobersyal at talagang pinag-pi-piyestahan ng netizens ngayon si AJ Raval.

Ang bente-uno anyos na anak ng former action star na si Jeric Raval, hindi maitatanggi na maganda at may ibubuga sa showbiz.

Hindi maitatanggi na blooming ang dalaga ngayon at inspired magtrabaho.

Bagamat may mga pinagdaanang intriga ang batang aktres, hindi naman siya rito nagpapa-apekto.

Tuloy ang pagdating ng mga trabaho kay AJ.

Kontrobersyal. Pinag-uusapan. Iba ang karisma niya, masang-masa, Pinay na Pinay ang ganda!

Mula sa isang all-female group ay hindi na nga napigil ang paglabas niya sa pelikula, at dahil uso na ngayon sa mga celebrity ang paggawa ng Vlog, isa si AJ sa mga inaantabayan din ang mga ina-upload sa kaniyang Youtube na may higit sa 1 million followers, pati na rin sa kanyang social media account, gaya ng IG na aabot na rin sa 1 million ang followers, sa Tiktok naman mayroong 7.7 million na tagasubaybay ang dalaga.

Kailan lang ini-launch na rin si AJ bilang isang celebrity endorser ng Queen White Beauty Products, at sa pictorial ng nasabing brand, lumulutang ang kaniyang ganda.

Nakakwentuhan din namin ang mismong CEO ng Queen White beauty products at kung bakit si AJ ang kanilang napili na maging ambassador, “Si Aj kase, siya ‘yung celebrity na kahit na alam mong anak ng sikat din na artista ay parang napakadaling lapitan, walang ka-ere-ere, siyempre bukod pa po diyan ‘yung talaga naman na Filipina ang kaniyang beauty, masang-masa, pero class!” masayang pag-kukuwento ni Ms. Sarah Vidi-Payno.

Nang tanungin naman namin si AJ, bakit QueenWhite? Sabi niya: “I like the product, yung quality niya sobrang ganda, and I’m loving it. And aside from that, I’ve learned that Queen White rejuvenating set, ‘yung company mismo donates to certain charity, sa children’s village. Parang sa bawat bili ng rejuv set, gumanda ka na, nakakatulong ka pa, I want to be part of it.”

Nakakatuwa na may mga negosyante na tulad ni Ms. Payno na bago pa ang pandemya at bago simulan ang pagtatayo ng negosyo ay nakalaan na rin talaga ang pagtulong sa kapwa. Sana mas marami pa ang tulad ni Sarah na makakatulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

And on our part saludo kami sa mga artista na pinipili talaga ang i-eendorso nilang produkto, sabi nga, yes, you can be controversial and at the same time, queenly beautiful inside and out.

The post Controversial young sexy-actress supports new skincare line appeared first on PSR.ph.



Controversial young sexy-actress supports new skincare line
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post