Congressman Yul Servo Nieto behind bills honoring Andres Bonifacio

Malaki ang naiambag ni Gat Andres Bonifacio sa ating bansa na hanggang ngayon ay patuloy nating sinasariwa. Si Bonifacio ang Ama ng Demokrasya at nag-iisang Ama ng Rebolusyon ng Pilipinas.

Ika nga ni Gat Andres Bonifacio: “Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila. Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa. Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.”.

Ang kinatawan ng ikatlong distrito ng Lungsod ng Maynila na si Yul Servo Nieto ang nanguna sa pagpasa ng House Resolution no. 01416 o “A RESOLUTION DIRECTING THE GOVERNMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES, THROUGH THE DIPLOMATIC EFFORTS OF THE DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS, TO TAKE FURTHER STEPS TO RECOVER AND PRESERVE THE “KATIPUNAN DOCUMENTS” FROM THE ARCHIVO MILITAR GENERAL DE MADRID, UNDER THE GOVERNMENT OF SPAIN.”

Ang layunin ng House Resolution na ito ay makuha ang Katipunan Documents mula sa Madrid, Spain, dahil nilalaman ng mga dokumentong ito ang daan-daang mga mahahalagang papeles, ulat at sulat-kamay na mga liham nina Gat Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, Pio Valenzuela at iba pang opisyales ng Katipunan.

At kahit nakuha natin noong 2012 ang digitalized na kopya ng mga dokumentong ito na nasa pangangalaga ng National Historical Commission of the Philippines, mahalaga pa rin na makuha ang orihinal na dokumento.

Narito nakatala ang mga unang dokumento ng pagpapahayag ng ating kalayaan o “Declaration of Independence” makalipas ang tatlong daan at tatlumpong taon ng pananakop ng Espanya.

Karangalan ito sa mga Filipino at dapat sila’y makinabang sa mga impormasyon at iba pang detalye na nilalaman ng mga ito.

Nakaliwat ito sa ating wika na tiyak nating mauunawaan at higit sa lahat, nasasaad dito ang mga detalye patungkol sa uri Konstitusyon at gobyerno na naitatag ng KKK sa ilalim ng pamumuno ng kanilang Supremong Pangulo na si Gat Andres Bonifacio

Ikalawa naman ang House Resolution no. 2835 o “RESOLUTION EXPRESSING THE RECOGNITION OF ANDRES BONIFACIO AS THE FIRST PRESIDENT OF THE PHILIPPINES AND URGING THE PRESIDENT TO INSTITUTE THROUGH THE DEPARTMENT OF EDUCATION AND COMMISSION ON HIGHER EDUCATION SIGNIFICANT MEASURES TO DISSEMINATE AND PROPAGATE THE TRUTH ABOUT SUCH FACT IN HISTORY BOOKS, ELEMENTARY, HIGH SCHOOL AND TERTIARY EDUCATON, AND OTHER RELATED MEDIUM OF INFORMATION.”

Matapos ang pagpupulong ng mga kinatawan ng mga probinsya at iba pang matataas ng opisyales ng Katipunan noong Agosto 24, 1896, napagpasyahan nila ang tatlong importanteng desisyon: una, na magkakaroon ng armadong paghihimagsikan laban sa mga Kastila, na si Gat Andres Bonifacio ang Pangulo ng itinatag na pamahalaang “Haring Bayang Katagalugan” at ang paghalal ng iba pang opisyales sa hukbo sa kanilang umiiral na gobyerno.

Ang lahat ng kinakailangan upang makapagtatag ng isang tunay na Estado ay naroroon noong itinatag ang rebolusyong pamahalaan ng KKK, mayroon itong sariling paraan ng ugnayang panlabas, may malaking bilang ng populasyon, teritoryo at soberanya bilang isang lihitimong revolutionary government gayon din ang pamahalaan ni Bonifacio ay may mga departamento katulad ng mga nakikita natin sa kasalukuyang pamahalaan, mayroon silang tinatawag na Saclolohang Pagamutan at Kaawang Gawa ng Kataastaasa’t, Kamahalmalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na kinapapalooban serbisyo gaya ng DSWD at DOH.

At kahit sandali lamang ang pamumuno ng gobyernong ito at ni Gat Andres, ang haba o ikli ng pamumuno ng isang Pangulo ay hindi dapat maging batayan upang siya’y hindi mabigyan ng pagkilala bilang isang Pangulo.

Ikatlo ang House Bill no. 10542 o “AN ACT MANDATING ALL COLLEGES AND UNIVERSITIES IN THE CITY OF MANILA WHETHER PUBLIC OR PRIVATE, TO INCLUDE IN THEIR COLLEGIATE CURRICULA COURSES DEVOTED TO THE LIFE, WORKS AND HEROISM OF GAT ANDRES BONIFACIO.”

Bilang si Gat Andres Bonifacio ay isang tubong Manileño, nararapat lamang na isang paksa ukol sa kanyang mga naisulat, nagawa at buhay ang maituro sa lahat ng kolehiyo at unibersidad sa Lungsod ng Maynila. 

Makatutulong ang paksang ito na magkaroon ng mas malalaim na nasyonalismo at pagiging Makabayan kung ang mga kabataan ay mabibigyan ng pagkakataon na makilala ang isang Manileño na talaga namang nakapagpabago ng takbo ng ating kasaysayan.

Isang inspirasyon sa bawat isang estudyante na hindi kailanman magiging hadlang ang pagiging salat sa pera o kawalan ng edukasyon upang makamit ang inaasam na pangarap at layunin.

Tulad ni Gat Andres, ang totoong kailangan natin ay ang determinasyon, katapangan at pangarap upang maitawid natin ang ating mga sarili sa maalon na takbo ng ating mga buhay.

At sa huli ay ang House Bill no. 10557 o “AN ACT ESTABLISHING THE ANDRES BONIFACIO MUSEUM IN HIS HOMETOWN OF MANILA CITY.”

Ang Andres Bonifacio Museum ay higit na makakatulong sa paglikha ng bagong salaysay at pananaw sa kanyang buhay at pamana.

Ang pagtatag ng museo ay isa sa mga pinakaepetikbong paraan ng pagbibigay alam at pagturo sa mga kabataan lalo na’t mayroon silang kapasidad at kalayaan upang bumuo ng sarili nilang interpretasyon at pag-iintindi base sa kanilang nababasa at nakikitang mga larawan at dokumento.

Ayon kay Cong. Nieto, “Oras na para malaman ang lahat ng katotohanan tungkol kay Gat Andres Bonifacio, na siya’y higit pa sa isang matapang na mandirigmang nagsimula ng pag-alsa laban sa mga dayuhang nanakop sa kanyang inang bayan, siya ang tunay na Ama ng Demokrasya ng Filipinas at siya ang totoong unang Pangulo ng ating bansa.

“Ang mga panukalang batas na ito ay walang anumang layunin na guluhin ang naunang kaalaman natin tungkol sa ating kasaysayan, bagkus nais ng mga ito na itama ang matagal nang mali, at ipagmalaki at kilalanin natin ang Pambansang Bayani sa paraan na makakatulong sa mga susunod na henerasyon.

“Dahil ang kasaysayan ng isang bansa at kaalamanan ukol dito ay napakalaki ng epekto sa ating pagkatao bilang mga Pilipino. Inaanyayahan ang publiko na mamulat sa ating kasaysayan, at humihingi tayo ng suporta mula sa Kongreso at Senado.

“Tayo na’t punan ang puwang ng kaalaman tungkol sa Pangulong Andres Bonifacio sa pamamagitan ng lubos na pagkakaisa kung paanong itinaguyod niya ang ating bansa laban sa mga dayuhan, siya naman ngayon ang ating ipaglaban.”

The post Congressman Yul Servo Nieto behind bills honoring Andres Bonifacio appeared first on PSR.ph.



Congressman Yul Servo Nieto behind bills honoring Andres Bonifacio
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post