Rhea, Maja advocate healthy lifestyle

IPINAHAYAG ni Maja Salvador na sobra siyang grateful na maging bahagi ng Beautederm family, lalo’t ang ine-endorse niya rito ay produktong kailangang-kailangan ngayong pandemic.

Pahayag ng aktres, “Kaya naman ako po ay sobrang grateful dahil kahit sa panahon ng pandemic ay mayroon pong nagtiwala sa akin, ito ngang ating Beautederm family. And i-add ko lang po, very happy ako to endorse this product, kasi talagang kailangan natin ngayong pandemic.”

Pagapapatuloy pa ni Maja, “So, nakakatuwa na si Ms. Rhea at ang Beautederm ay talagang nag-create na naman ng bagong product para sa ating lahat. For our protection… para mas gumanda, mas maging healthy tayo mula ngayon hanggang sa susunod pang maraming taon.

“Kumbaga, ini-ready na tayo ni Ms. Rhea at ng Beautederm family na kung ano man ang dumating pa sa mga susunod na panahon ay mayroon siyang mga product na talagang namang quality, na talaga namang one hundred percent na matutulungan tayo. Kaya thank you madam.”

Si Maja ang brand ambassador ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters. 

Inilungsad ang aktres last Nov. 25 bilang bahagi ng 12th anniversary ng Beautéderm at bago ang birthday ng President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Mahigit isang taon ang iginugol nina Ms. Rhea kasama ang kanyang team para sa Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters upang masiguro ang holistic health na mahalaga upang mabuhay at magtagumpay lalo na ngayon kung saan kailangan ng malusog na katawan at pag-iisip upang malagpasan ng lahat ang global health crisis.

Target ng aktres na maengganyo ang mga kabataan at adults edad 18 years old pataas para gumamit at uminom ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters na binubuo ng pitong FDA-notified at all-natural health supplements na kinabibilangan ng KENZEN Z Plus (Immunity Booster); KENZEN MeMax (Memory Booster), KENZEN VivaGen (Energy Booster); REIKO PrestoSol (Sun Protection Enhancer); REIKO Fitox (Digestion Enchancer); REIKO Slimaxine (Diet Enhancer); at REIKO SomNest (Sleep Enhancer).

Isa si Maja sa mga pinaka-acclaimed at prolific na mga artista sa industriya ngayon na talaga namang umarangkada sa telebisyon, pelikula, at pati na rin sa musika bilang dancer at singer. Maliban sa kanyang mga legendary live performances at sa mga iconic na karakter na kanyang binigyang buhay sa pinilakang tabing at sa telebisyon, balik hosting na rin si Maja bilang isa sa mga mainstays ng Eat Bulaga.

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador of Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters,” sambit ni Maja na kilala rin bilang isang serious health buff na makikita sa kanyang aktibong pamumuhay.

Dagdag na esplika pa ng aktres, “Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay ang perfect set of supplements para sa akin. 

Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ang perfect set of supplements para sa akin and I am encouraging everyone to make this line of health boosters a part of their daily lifestyle for that added boost of strength and vigor.”

Ang lady boss naman ng Beautéderm na si Ms. Rhea ay sobrang ligaya ngayong nagkatotoo na ang isa sa kanyang mga pangarap sa official launch ng Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters.

“We have been working on Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive, to work hard for our families and loved ones.

“I am one with Maja in advocating a balanced, healthy lifestyle. Perfect match talaga si Maja at ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters at overjoyed ako to welcome Maja to the family,” wika pa ng isang very jubilant na si Ms. Rhea.

The post Rhea, Maja advocate healthy lifestyle appeared first on PSR.ph.



Rhea, Maja advocate healthy lifestyle
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post