Joey de Leon reveals his bet for VP seat

Nababaliw na ang maniniwalang pagtatrayduran nina Joey de Leon at Senator Tito Sotto.

Kasi naman, pinag-uusapan ngayon ang mga kumalakat na pekeng larawan na nagpapakita na hindi si Senator Tito ang susuportahan ni Joey sa eleksyon sa isang taon.

E sino ba naman ang maniniwala rito, e alam naman ng lahat mula Aparri hanggang Jolo kung gaano kamahal ni Joey si Tito Sen and vice-versa.

Kaya naman mismong si Joey na ang nagbigay ng paglilinaw at pahayag tungkol sa fake news na ibang kandidato ang susuportahan ni Joey sa pagka-Bise Presidente sa 2022 national election.

Idinaan ni Joey sa kanyang Instagram account (na may 1.4 million followers) ang paglilinaw ng TV host/comedian kalakip ang litrato nilang tatlo nina Senator Tito at Bossing Vic Sotto.

Ayon sa post ni Joey na ang IG account ay @angpoetnyo.

“Anak ng pating eh halos pitong buwan pa bago mag-election pero nagkalat na fake news! Kesyo ako raw, gamit ang mukha at pangalan ko, iniendorso ang isang kandidato!

“Pwede ba, nasa litratong ito natural ang aking iboboto. Eh PITONG presidente na kaming magkakasama! Kailangan pa bang i-explain yan?

“Dun sa mga “friends” ko kuno, fact check muna before posting! Erection ang problema ko hindi election! Ginagalit nyo ‘ko eh!”

Ang @helenstito IG account na naka-tag sa IG post ni Joey ay si Senator Tito.

Wala naman talagang maniniwala na hindi si Senator Tito ang susuportahan ni Joey, hello! E hindi na nga sila magkakaibigan lamang, magkakapatid na ang turingan nila kaya napakaimposibleng bumalimbing si Joey.

Pruweba pa nito ang apatnapu’t dalawang taon na ngang umeere ang Eat Bulaga!

Oh well, ganyan naman kapag eleksyon, kanya-kanyang gimik, kanya-kanyang diskarte, kanya-kanyang siraan at kanya-kanyang imbento ng kuwento.

The post Joey de Leon reveals his bet for VP seat appeared first on PSR.ph.



Joey de Leon reveals his bet for VP seat
Source: Happy Pinas News

Post a Comment

Previous Post Next Post